One

23 7 0
                                    

Vivo

"I still can't believe na isang taon na kami! Waaaah!" Kinikilig kong sabi sa kaibigan ko na sina Chloe and Louisse.

Syempre, masayang-masaya ako kasi finally isang taon na kami ng boyfriend kong si Patrick.

"Really girl? Kahit ako din di makapaniwala eh! Hahahahaha" Sinamaan ko ng tingin si Chloe.

Alam ko kasi ibig niyang sabihin, syempre sa laki ng katawan kong to sinong magtityaga sakin diba? Alam naman nating lahat na karamihan sa mga lalaki katawan na lang ang habol.

Kaya thankful ako na dumating sa buhay ko si Pat, kahit na tutol ang mga kuya ko sa relasyon namin.

"Eh bakit di ka naman makapaniwala Chloe? Eh diba si Vivo ang girlfriend at hindi ikaw? Kabet ka ba ni Patrick?" Seryosong sabi ni Louisse. As in sobrang seryoso at salubong na salubong ang kilay!

Nagkatinginan naman kami ni Chloe at...

"BWUAHAHAHAHAHAHA!!" Malakas naming tawa.

Ewan ko ba diyan kay Louisse, napaka kupad mag-isip.

"Alam mo ang kyot kyot mo talaga frenny" Sarcastic na sabi ni Chloe kay Louisse.

"Matagal na no, thank you" Nakangiti pang sabi ni Louisse.

Jusmiyoo!!

"Waaaaaah! Wala pa ba yung mga rosas na inorder ko?" Natataranta kong tanong.

"Nandiyan na yun, maya-maya parating---"

*Dingdong* Dingdong*

Nagkatinginan kaming tatlo at tumakbo palabas ng apartment.

At ayan na nga yung mga rosas. Kinuha ko ito sa delivery boy at binayaran. Syempre binigyan ko din ito ng malaki-laking tip dahil good mood ako ngayon.

Oo nga pala, nakatira lang pala kami sa isang apartment. We decided na mag apartment na lang kami para makamenos sa gastusin. Malayo-layo pa kasi ang mga bahay namin sa school na pinapasukan namin kaya nag rent na lang kami ng apartment.

Pumunta ako sa may kwarto namin at tinignan ang paligid nito. Kinalat ko ang mga petals sa sa kama na may puting sapin, at ng maayos ko na ito ay muli ko itong sinuri.

Perfect...

"Haynako girl, tabachoy na maharot ka rin eh no? Hahahaha" Pang-aasar sakin ni Chloe. Hindi ko na ito pinansin, ayokong masira mood ko today no!

"Che! Hoy Chloe, nasan na yung nighties?" Tanong ko dito.

Balak ko kasing akitin si Pat mamaya. Kahit naman mataba ako may korte naman katawan ko no!

Haaays, excited na talaga ako para mamaya.

"Oh girl, catch!" Binato sakin nito ang isang pula na nighties. Tumama ito sa mukha ko at nalaglag sa sahig. Sinubukan kong kunin ang nighties pero ni makayuko ay hindi ko magawa dahil sa laki ng tiyan ko. Argh, bwisit!

"Haynako, ako na nga diyan!" Narinig kong sabi ni Louisse, dinampot niya naman ito. Kukunin ko na sana ito pero tinalikuran lang ako ni Louisse at inabot kay Chloe ang nighties. "Oh ayan, ibigay mo ng ayos yan!" Seryosong sabi ni Louisse habang ang mukha naman ni Chloe ay  nagtataka.

"What the fuck?" Wala sa sariling sabi ni Chloe kaya di ko maiwasang tumawa sa itsura nito "Weirdoooo!" Sabi ni Chloe kay Louisse at tyaka lumapit sakin.

"Cute niyo, hehehe" Natatawa kong asar kay Chloe, sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Kingina mo! Mas cute yang katawan mo!" Pang-aasar sakin ni Chloe. Hot headed.

Hello Fat, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon