Monday, may pasok na naman >____< ang pinaka ayaw kong araw takte!
Nakayuko lang akong pumasok sa school para walang makakilala sakin , hindi naman sa sikat ako. Pangkaraniwang estudyante nga lang ako dito ee.Dati pinangarap kong maging sikat, pero nagbago yun ng makilala ko si
"wow ganda natin ngayun aa"
Natigilan ako. Yung boses na yun. Agad akong lumingon. At gaya ng inaasahan, nakita ko si Ken. Nakasandal lang sya sa pader na nakapamulsa..COOL sana kaya lang kilala ko yung taong yan =_____= MALAYO ang maamo nyang mukha sa UGALI nya !
"ang GANDA, gandang pampunas ng paa " sabay tawa pa nya. As in halakhak kung halakhak!
SABI NA EE!
Taena nya talaga! Kahit kelan panira ng araw!
"peste!" sigaw ko. Tawa pa rin sya ng tawa.Sinamaan ko nalang sya ng tingin. Saka na ko tumakbo papuntang classroom
Sya nga pala yung tinutukoy ko! Dahil kasi sa kanya, naging instant sikat ako dito sa school..As the girl who has the worst face! Argg!
*SA CLASSROOM
Nagki-quiz kami sa math ngayon. Sa mga kaklase ko, ako lang ata ang todo effort dito. Ako lang kasi ang bobo sa math dito ee =___= hay Math..kelan mo kaya masosolusyunan ang sariling problema mo?
*BOINKK cheap na tunog ng papel na tumama sa ulo ko
Hindi ko nalang pinansin yung bumabato sakin, pag kasi pinansin yan, mas lalo lang yang mambibwiset
*BOINKK
Wag pansinin ..
*BOINKK
Dedma lang!
*BOINK
Kaya lang di ko na kinaya ng pati notebook ibinato nya na sakin! Arggg!
"ANO BA KEN?! ANG LAKAS NG SAPAK MO AA!! KUNG SAWA KA NA SA BUHAY MO, PAKAMATAY KANA LANG!!!" napatayo na ko.Leche LAGI NALANG ! wala na syang ibang ginawa kundi ang mamato ng mamato ng papel! di ba sya naaawa kay mother nature?!
"Nadine anong problema jan?!" sabi nung teacher namin
"Maam si Ken kasi ee!! Namamato ng papel!!"
Tiningnan ni maam ng masama si Ken
"Ayy sorri mam, kala ko kasi basurahan yang negra na yan. Tao pala yan?"
"KENRICK ALONZO Go to detention room now!!" sigaw ni maam
"yown!" masaya nya pang sabi saka nagtatakbong lumabas
Gago talaga =___=
"stop the commotion students..Tapusin nyo na yung sinusulat nyo, wag nyo ng intindihin ang lokong yun"
***
Nagmadali na kong umuwi pagtapos ng klase..
Papunta na kong exit gate ng makita ko si Ken..Na naman =____=
Kasama nya yung mga kaibigan nya sa soccer team. Soccer player kasi sya dito..Oo may alam din syang ibang gawin maliban sa pang bibwisit sakin. In fact, nag e-excel sya sa soccer. Okay na sana ee.. pero aish! balewala ang talent kung waley naman ang attitude!
Hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy na ko sa paglalakad..Pero hindi pa ko nakakalagpas sa kanila, narinig ko na yung demonyong boses nya
"Uyy Ganda oh ! GANDANG ISALPAK SA BANGA! XD !" tatawa tawa nyang sabi
Tiningnan ko sya ng masama, at leshe lang dahil pati yung kasamahan nya nagtatawanan din
Nagbulungan sila tapos tatawa. Tapos titingin sakin mula ulo hanggang paa. Tapos bubulong ulit tapos tatawa ulit! Syete! Nakakainsulto na talaga !
VOCÊ ESTÁ LENDO
CRUSH din ako ng CRUSH ko (short story)
RomanceYung taong sukang suka sa pagmumukha mo, pero sya palang inlove na inlove sayo?! Well lets see how Nadine and Kenrick change each other's lovelife :">