"Alicia!" tawag ni Manang Fe habang kumakatok sa pinto ng dalaga. "Pinapatawag ka na ng Daddy mo sumabay ka na daw sakanya kumain ng almusal" Ngunit walang sagot na narinig si manang Fe. Wala itong ibang nagawa kundi ang bumalik na lamang sa kusina.
Sa loob ng silid mahimbing pa ding natutulog ang isang dalaga kitang kita ang kaputian nito sa suot na manipis na night gown pati na ang mahubog na katawan at the age of 20 nagmumuka syang teen ager dahil sa maliit nitong muka ngunit mapapansin ang pagiging mataray at sopistikada nito. Manipis ang kanyang labi at mahaba ang mga pilik mayroon din syang matangos na ilong almost perfect right pero ng mga sandaling iyon ay may mapapansing kakaiba sakanya pula ang kulay ng kanyang buhok at itim ang kulay ng kuko dahil sa kutiks at itim ang lipstick n nsa kanyang labi na dahil sa antok ay hindi na nakuhang alisin.
Makalipas ang ilang sandali.
"Ali! Buksan mo ang pinto" wika ng isang baritinong boses habang kumakatok sa pinto.
Napabalikwas ng gising si Alicia. "Damn" wika nia sa sarili "Wait Dad give me a minute mag aayos lang ako." Dali dali syang bumangon, nagtungo sya sa banyo para mag ayos at magpalit ng damit.