Page 2

13 0 0
                                    

"Good Morning Dad" wika nya sa ama at umupo sa tabi nito upang magsimula ng kumain.

"Anong oras ka nanaman umuwi kagabi? Ang sabi ng driver nagpaiwan ka daw sa isang bar sa makati. " seryosong tanong ng kanyang ama.

"Yes Dad opening kasi ng bar ni Mika and syempre we need to be there to support her." Si Mika ay isa sa pinakamatalik nyang kaibigan mas matanda ito sakanya ng 2 taon. Ate na ang turing nya dito dahil nag iisang anak lamang sya kaya nangungulila sya sa kapatid. Sunod sya lagi sa layaw anu man naisin nya at binibigay ng kanyang ama pero sobrang protective nito sakanya lalo na sa mga lakad nya ayaw nitong inuumaga sya ng uwi, pero dahil nga sa na spoiled sya masyado at lahat ng gusto ay nakukuha nya wala na din ibang magawa ang kanyang ama kundi ang magtanong at mag alala nalamang para sakanya. "At isa pa dad im 20, you don't need to worry as if im a teen"nakangiti pa nitong sagot.

"Hija hindi mo maaalis sakin ang magalala at isa pa alam mu namang simula ng mawala ang mommy mo pagkatapos mong ipanganak eh ako na ang tumayong ina at ama mo. Ano na nga palang balak mong gawin mag sesem break na kayo ha."

"Honestly dad pinagiisipan ko kung sasama ko kay Mika sa davao bibisitahin nya kasi ung farm nila dun, pero tentative pa naman ung alis medyo busy pa din kasi sya ngaun" nagiisip na sabi nia sa ama.

<TO BE CONTINUED>

My Sweet VagabondWhere stories live. Discover now