"Sanay na"
Paulit-ulit na sinasaktan,
Paulit-ulit na iniiyakan,
Ako nga ay sanay na,
Sanay nang magpakatanga.
Dahil hanggang ngayon ay hinihiling ko na sana ay tayo pang dalawa.
Pero alam mo?
Di porket ako ay sanay ay hahayaan ko nang masaktan ng Paulit-ulit ng dahil sayo.
Kaya nga sinusubukan ko,
Sinusubukan kong kalimutan ka,
Sinusubukan Kong maging masaya kasama ang iba.