Pag-ibig-pitong letrang kinababaliwan,mapatanda man o mapabata.Pangarap nga'y nagkatotoo,tama nga,dahil ika'y nahanap ko.Totoo nga ang sabi nila na ang pagmamahal ay nakakakaba,nakakaaliw,nakakakilig at nakakabaliw.Oo alam ko sapagkat mismo sa sarili ko,naramdaman ko ito.Itong pakiramdam na tumibok at titibok lang para sayo.
Unang mulat pa lang ng aking mga mata,alam kong may pag-ibig na.Yun ay ang aking pamilya.Sumunod na araw,ako'y lumaki na.Namulat sa mga bagay na puno ng kulay at pagmamahal.Dahil sa pagkamulat,maraming katanungang bumabagabag.
"Sapat na nga ba itong pagmamahal na ibinibigay galing sa aking pamilya?At ni Lord?Bakit pakiramdam ko'y may kulang dito sa puso ko?",nasabi ko sa sarili ko.
Sa katanungang ito,ito'y nasagot nang ika'y makita ko.Unang araw pa lang minahal na kita,di man kota lubusang nakilala.Basta'y alam ko lang ay mahal kita.Wala na akong ibang pinakikinggan kundi ang sinisigaw ng puso ko yun ay ang pangalan mo.
Ngunit hindi ko alam kung tama nga ba itong nararamdaman.Hindi ko maitatangging bata pa ako upang umibig.Isa pa,ang pag-ibig ay nakakalason.Kaligayahan ko'y hindi dapat manggagaling sa iba.Dapat ito'y mula sa aking sarili.Ang pagmamahal ay nagbibigay ilusyon na ang kaligayahan mo'y aasa sa isang bagay.
Kaya naman napagpasiyahan kong ika'y kalimutan.Hindi ito magiging madali dahil tayo'y magkaklase.Masakit,oo,sobrang sakit.Yung feeling na nagpakahulog ka sa mataas na building ngunit sa kasamaang palad buhay ka pa din.Hindi mo man maramdaman,huwag mo naman sanang talikuran kahit pagmamahal bilang kaibigan na lamang.Akala ko palagi mo na lang akong papaiyakin tadhana pero minsan pala nagagawa mo din akong pasiyahin.Sana ganyan ka nalang palagi.
Sa pagmamahal ko sayo,nawala na sa pokus ang isip ko.Nakalimutan ko na ang pamilya kong walang ginawa kundi mahalin ako.Kaya naman,gagawin ko ang bagay na ito.Kung ang pag-ibig ay nakakasakit na kung gayun oras na para palayain at iligtas ang sarili,sapagkat maaari kang makatagpo ng ibang mahal ngunit hindi ka makakahanap ng ibang sarili.Pero hindi ko pinagsisisihan ang bagay na minahal kita dahil minsan,nakapagbigay ito ng kurba sa aking labi.
Sa dakong huli,napagtanto kong hindi pa ang tamang panahon kung kaya kahit anong haba ng panahon,aking hihintayin,magiging mas mabuti lang ang lahat.Kaya ang pangako ko sa aking sarili hanggang hindi pa nahahanap at nararamdaman ang taong nakalaan para sa akin,itong puso ko'y hindi pa titibok sa iba.Muntik na,muntik nang nakalimutan ako'y nangangarap lang ng gising.Heto ako ngayon,gising na gising sa katotohanang-------gawa gawa lang pala ng imahinasyon ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Tibok(One shot story)
Roman pour AdolescentsKailangan ko'y ikaw tulad ng puso kong nangangailangan ng pagtibok.