CHAPTER 13

385 5 2
                                    

PAM's POV

Dahil naninibago ako sa school na to, tinour ko muna yung self ko hanggang sa nakita ko yung maliit na garden. Ang ganda ng garden na yun. Sobrang ganda. Palapit na ako ng palapit at nakita ko si Zach. Mag-isa lang siya. Nilapitan ko siya at nangyari na nga ang dapat na mangyari. Ang buong akala ko ay naka- move on na siya at masaya na siya para sa akin. Masaya na siya para sa amin ni Dennis pero hindi pa pala. Mahal pa rin niya ako. Iniwan ko siya. Oo. Iniwan ko siya dahil kay Dennis. Si Dennis, crush ko na siya simula ng elementary pa lang kami. At bago kami mag-graduate ng highschool , niligawan niya ako at pumayag naman ako kahit kami pa ni Zach. Sinagot ko siya kahit kami pa ni Zach. Wala kasing may nakakaalam ng relasyon namin ni Zach maliban sa aming dalawa. Kasalanan ko kasi iniwan ko si Zach para sa taong mahal ko at mahal ako pero kasalanan ba yun? Kasalanan ba ang pumili at maging masaya? Kasalanan ba ang may masasaktan kang iba dahil sa pagpili ng iyong ikakaligaya?

Iniwan ko ulit si Zach. tinakbuhan ko ulit siya. Nilayuan ko ulit siya para sa taong pinili ko. Para sa taong mahal ko at para sa ikaliligaya ko.  

Dennis' POV

Vaccant ko. Hinanap ko si Pam hanggang napadpad ako sa garden na yun. OO. nandun ako. Nakita at narinig ko ang lahat. Lahat ng pinag-usapan nila. Sa di kalayuan nakita ko rin si Lauey nagtatago at sigurado akong nakikinig rin siya sa dalawa. Nakikita ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako para sa bestfriend ko. Pero mas nasasaktan ako sa nalaman ko. Nasasaktan ako na may natapakan pala akong isang taong nagmamahal ng totoo kay Pam. Nasasaktan akong malaman na ang ex boyfriend ng girlfriend ko ay boyfriend na ngayon ng bestfriend ko. 

Nakaramdam pa rin ako ng saya sa kabila ng lungkot na niloloko lang ni Zach si Lauey. Saya dahil alam kong mahal ako ng taong mahal ko. Masaya dahil mas pinili niya ako. Masaya dahil alam kong mas masaya siya sa piling ko. Pero naguguluhan pa rin ako. Kailangan ako ng girlfriend ko pero mas kailangan ko ang malinawagan. Nilapitan ko si zach.

"kailan naging kayo?" - ako

"Kasalanan mo. Kasalanan mo lahat to. Kasalanan mo kung bakit ako iniwan ng babaeng pinakamamahal ko." - zach

"Kasalanan ko? Pare. Kasalanan ko ba kung ako ang mahal niya?" - ako

"OO!" - zach

" Gago ka Zach! Layuan mo na si Lauey kung ayaw mo masira yang pagmumukha mo! Manloloko ka at yung bestfriend ko pa ang pinili mong lokohin? Hindi porket gusto mong makabawi, ang bestfriend ko ang pagbabayarin mo. " - ako

Binigyan ko siya ng isang suntok tsaka umalis. 

Lauey's POV

“ Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies

And I’ll pray that someday you will wake up in my arms

And love will never end

We belong together, always and forever.”

“ Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies

And I’ll pray that someday you will wake up in my arms

And love will never end

We belong together, always and forever.”

“ Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies

And I’ll pray that someday you will wake up in my arms

And love will never end

We belong together, always and forever.”

Grabe! Pa-ulit ulit nalang? Sino na naman tong istorbo sa pagtutulog ko. I checked my phone.

3 missed calls from : Zach Villasis

Potakssss. May patawag tawag ka pang nalalaman. Tawag your face!

“ Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies

And I’ll pray that someday you will wake up in my arms

And love will never end

We belong together, always and forever.”

Shit naman oh. Wala ka bang magawa---" ako

"Lauey?" - alex

"potaaaaaks. Ano kailangan mo?" - ako

"ikaw!" - alex

"gago ka! WAG na WAG kanang tumawag kahit kailan! Mamatay ka sana!" - ako

"Kung gusto mong magkape, ililibre kita. Wag mo lang hilingin ang kamatayan ko dahil papakasalan pa kita!" - alex

"fuck you! Kasal your face! Bye!" - ako

Gago yun ah. Ang kapal ng pagmumukha niya para pakasalan ako. Tiningnan ko ang orasan. Whaaaaaaaaaaaaaaaaaat? 6:30 pm na? Ibig sabihin almost 6 hours yung tulog ko. Galing naman!  Nakaramdam ako ng gutom edi bumaba ako para kumain.

"nak, kumain ka na." - yaya

"ok ya."  ako.

Dumeretso na nga ako ng mesa. Kumain ako. Bakit ang tahimik? Walang leah na panget! Walang daddy na galit at walang mommy na mabait. 

"whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" - ako

"oh? ano nagyari nak?" yaya

"wala ya! feel ko lang yung sumigaw!" - ako

"akala ko kung napano ka na." - yaya

Mga chismosang maids to. Bigla din naman silang pumunta ng mesa para tingnan ako. HAHA. Ang sarap mangtrip eh. Ganito ba talaga pag broken hearted! Whaaat? No. hindi pala. Hindi ako broken hearted! Hindi nga ako affected eh! :>

"ya, balik na ako ng kwarto at matutulog ulit ako. Pag dumating si mommy and daddy, please tell them na natutulog na ako. Ok? Wag na kayong mang-istorbo. Gusto ko ng magpahinga. OK? goodnighttttt!" ako

"cg nak" yaya

Whaaa. It's too early pa para matulog. Eh pakialam niyo ba? Gusto kong matulog eh. Edi natulog ulit ako :>

Ang Paghihiganti! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon