1

106 5 20
                                    

TLC 01

Alas-singko y medya, papalubog na ang araw. Matapos isuksok sa keyhole ang susing ibinigay sa kaniya ng landlady niyang si Mrs Almonte ay excited na pinihit ni Helga ang seradura ng pinto. Pagkatapos ay diniinan ang switch ng ilaw sa gilid.

Bumaha ang malamlam na liwanag sa receiving area mula sa light bulb na naka-konekta sa ceiling fan.

Not bad. Not bad at all. Bago siya pumunta roon ay sumagi na sa isip niya na baka photogenic lang ang loob ng unit. Pero hayun at na-meet naman ang orihinal na expectations niya bago niya ginawang realistic iyon.

Mabango at amoy malinis ang paligid. Malamig sa mga mata ang kulay ng mga pinturang ginamit. Malaking bagay na rin na kahit paano ay may pahabol nang dining table ang unit at mukhang maganda pa naman ang kondisyon. Maganda rin ang toilet and bath sa pictures na nakita niyang naka-post online. Malakas din naman daw ang tubig. Pero mamaya pa niya malalaman kung totoo.

Ang pinaka-nagustuhan niya sa unit na iyon ay na carpeted ang sahig. Kahit na hindi muna siya bumili ng sofa ay ayos lang sa kaniyang sumalampak doon kapag manonood ng TV o DVDs. Medyo mainit lang pero sabi nga sa news ay opisiyal nang nagsimula ang summer.

Ipinamana na niya sa isang estudyanteng bedspacer sa dati niyang tinutuluyang townhouse ang luma niyang electric fan. May sentimental value sa kaniya iyon dahil dala niya pa iyon galing probinsiya pero ganoon talaga, hindi raw pwedeng lahat bibitbitin mo kahit saan ka pumunta. Syempre bumili naman siya ng bago at nang ipa-test niya iyon sa home and appliance store ay muntik na siyang magmukhang bruha sa lakas ng hangin. Buti na lang at 2 in 1 shampoo and conditioner ang gamit niya.

Nilingon niya ang dalawang pahinante ng nakuha niyang moving service. "Pakibaba na lang ho dito sa loob 'yang mga kahon, pati na 'yong foam at study table." Agad namang sumunod ang mga ito. "Ano nga ho pala ang gusto nyong meryenda?"

"Kahit ano ho, ma'am,"sabi ng isa sa mga pahinante na sa tantya niya ay nasa late twenties nito. Pagkuway ibinaba sa sahig ang hawak na malaking kahon. Tinapunan ng sulyap ang nakatatanda na mukhang kaedad niya na papasok ng unit bitbit ang foam. "Ikaw ba, Kuya Mark? Ano raw ang gusto mong meryenda?"

"Kayo na ho ang bahala, ma'am. Hindi naman ho kami mapili sa pagkain."

"O sige ho, maiiwan ko muna kayo rito. Bibili lang ako ng pwedeng ipa-meryenda sa inyo."

"Sige ho, ma'am,"magkapanabay pang tugon ng mga ito bago itinuloy ang ginagawa.

Hawak ang strap ng bag na nakasukbit sa balikat na lumabas ulit siya at nagsimulang maglakad patungo sa gate. Para lang lumiit ang pagitan ng mga hakbang nang makitang papasok ang isang lalaking may bitbit na grocery bags sa isang kamay habang nakikipag-usap sa phone nito.

Katamtaman ang laki ng katawan nito, marahil ay halos anim na talampakan ang taas, parang gatas na hinaluan ng kaunting kape ang kulay ng balat. At ewan niya kung wala lang talaga itong hilig magsuklay o natural nang magulong tingnan ang buhok nito. Parang bagong laba sa Tide sa puti ang suot na crew-neck shirt at dark green na pants ang suot.

Bahagya pa siyang napangiti nang makita ang suot nitong tsinelas na de-goma.

Now, if she's looking at a Chinese, a Korean, a Taiwanese or a Vietnamese guy, she couldn't tell just yet. Basta natitiyak niyang mayroon itong lahing singkit. And my, does he look hot and adorable. He had the boy-next-door vibe, too. At wala siyang nakikitang singsing. Kwintas na gawa sa leather ang cord na may kung anong pendant at relong leather din ang band ang tanging suot nitong accessories.

Paanong nangyaring ang isang ganito ka-gwapong nilalang ay wala pang keychain?

Hoy, bruha, may boyfriend ka na. Maghunos-dili ka!

Bahagya niyang ikiniling ang ulo at nanghaba ang nguso. Bakit ba? Masama bang magka-crush? Pagtataksil na bang maituturing 'yon? Crush lang naman, hindi naman pakakasalan.

Itinuloy niya ang paghakbang, hanggang sa parang mga parallel lines na nagkatapat sila at mag-angat ito ng tingin mula sa pagyuko sa wristwatch nito.

Muntik na siyang matapilok nang deretso ang tingin na nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

Sinundan niya ito ng tingin. Her mouth formed an "O" when he stopped right before the door next to hers. Nauwi iyon sa malapad na ngiti. Tingnan mo nga naman. Mukhang kapitbahay niya pa yata ito. Iyon ay kung talagang doon ito nakatira at hindi basta may dinadalaw lang.

Itinuloy niya na ang paglalakad at tinungo ang Mameng's Sari-Sari Store. Noon naman nahagip ng mga mata niya ang isang maliit na stall may ilang metro mula sa kinatatayuan niya. Nang lapitan niya ay nalaman niyang maliban sa barbecue, betamax, adidas at kung anu-ano pang iniihaw ay pwede ring umorder ng burgers, fries at iba pang pagkain na pwedeng kainin anytime.

Dahil halos hapunan na rin naman ay nagpasiya na siyang bumili ng ilang stick ng pork barbecue at cheese burgers. Kay Aling Mameng naman siya bumili ng pwedeng inumin. Medyo napa-chika pa siya dahil hindi naiwasan ng ale na itanong kung saan daw siya nakatira.Halos lahat daw kasi ng bumibili rito ay kilala na nito sa mukha at pangalan.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin ang mga pahinante at truck driver. Inihatid na rin niya ang mga ito hanggang sa labas ng gate at doon iniabot ang kaukulang service fee.

Habang naglalakad pabalik ay napangiwi siya nang malayo pa siya ay makitang mayroong nilipad na asul na plastic bag sa labas. Plastic bag iyon na pinaglagyan ni Mang Nestor ng mga binili niya kanina sa ihawan. Natitiyak niyang ang bago niyang electric fan ang salarin.

Sa tulong ng ilaw sa labas ng katabing unit ay namataan niya rin ang kung hindi siya nagkakamali ay upos ng sigarilyo at balat ng kung anong kendi. Hindi niya napansin iyon kanina. Baka isa sa mga pahinante ang nanigarilyo at nang walang makitang basurahan ay doon na lang itinapon. Ang linis pa naman ng paligid. Wala ni isang piraso ng kalat na makikita.

Nilakihan niya ang mga hakbang niya. Baka may makakita ng mga iyon at isipin pa ng mga bago niyang kapitbahay ay makalat siyang tao. Nakakahiya naman.

May dalawang dipa na lang ang layo niya roon nang bumukas ang pintong pinasukan ng mamang singkit na nakita niya kanina. Pinalitan na nito ang suot nitong pantalon ng cargo shorts na itim pero suot pa rin nito ang t-shirt nitong mukhang bago sa puti.

Napaungol siya. Naloko na.

The Lucky CharmWhere stories live. Discover now