Bakit ka ba ganito Nail? Mas lalo tuloy akong nakokonsenysa.
Hindi naman kita niloloko pero bakit ganito nararamdaman ko?
Siguro nga tama 'yung napanood ko na "My Destiny." Sabi pa nga ng tatay ni Grace:
Grace: Tay, hindi ko naman talaga mahal si Jacob pero ayaw ko naman siyang masaktan. Madami na siyang nagawa para sa akin, sa baby namin Matthew.
Tatay: Mahal mo siya Grace. Kasi ayaw mo siyang masaktan. Mahal mo siya, hindi nga lang ng tulad kay Matthew na inlove ka talaga.
Oha! Sapul sa 'kin 'yan. Parang nakikita ko na 'yung mangyayari mamaya, 'yung parehas kami masasaktan.
Eh kung try ko kaya? Wala namang masama eh kaso baka isipin niyang trip ko lang siya eh.
"Avo", tawag niya sa pangalan ko. Halata sa tono na nag-aalala siya. Sa boses niyang 'yun ay naiiyak na naman ako.
Napayuko na lang ako at hinayaan na ang mga luha ko ay lumabas na parang water falls.
"Shhh... don't cry.", niyakap ako ni Nail.
Mas lalo tuloy akong naiiyak.
Ang hirap naman maipit sa sitwasyong ganito. Hay! Buhay nga naman parang life.
Buo na desisyon ko. Sasagutin ko na lang siya. Tama nga ata si Sun, naguguluhan lang ata ako eh.
Bakit nga ba ako nagkakaganito? Hindi naman ako naka-drugs. Tsaka mahal ang drugs eh. Kung drugs ang ibibili ko, dapat flat screen na lang para matuwa si inay.
Kumalas si Nail at iniharap niya ako sa kanya. Mas nakita ko tuloy ang brown eyes niya.
"Bili tayo ice cream?", nginitian niya ako. Pinunasan naman niya ang mga luha ko sa pisngi.
Hindi na tuloy ako naiiyak. Nakadrugs nga ata ako eh. Isang ngiti lang ni Nail, buhay agad ako. Adik nga ata ako kay Nail. Peg-ebeg nge nemen.
"Nah! Ang cliche.", inarte ko. Hindi naman kasi ako bata para bilhan ng ice cream matapos umiyak.
"What do you want?", malambing na tanong niya.
"Cotton candy.", walang gutal kong sagot.
"Okay.", tumayo siya at inilahad ang kamay niya.
Tinanggap ko naman ang kamay niya at tumayo din. Holding hands kami at bitbit ng isang kamay ko ang bouquet.
Yes! Holding hands kami.
Huminto siya at tumingin sa mukha ko. "Ako na magdadala ng flowers.", binigay ko naman sa kanya at naglakad ulit na naka-holding hands.
Date na namin. First date. Kami na eh. Kaso ako pa lang ang may alam eh, mamaya pa niya malalaman.
Nasa harap na kami ng cotton candy stall. May kung ano namang tumunog kaya binitawan niya muna ang kamay ko may kinuha sa bulsa. Nilabas niya ang phone niya at pinatay ang tunog. May tawag ata siya.
"Answer.", tumingin ako sa kanya at mukhang badtrip siya.
"Are you sure? May bibilhin din pala ako. Can I go?", tanong niya.
"Yes", tumango ako. Pinahawak niya sa akin ang bouquet ko.
Lumapit muna si Nail kay ateng vendor. "Ate, dito muna ang girlfriend ko. Kapag may nangyaring masama dito lagot ka sa kin. Bigyan niyo na lang po siya ng pagkain niya.", naglabas siya ng pera at ibinigay kay ate.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin. 'Yung pagkasabi niya ng girlfriend.
Tumakbo naman si Nail habang kinakausap ang tumatawag sa kanya.
"Ang sweet ng boyfriend mo"