Nasa park ako at hinihintay si Nail. Maaga lang talaga ako. Tinatamad kasi ako kapag nakila Sun eh, puro interview ang ginagawa sa akin, parang talkshow lang ang ginagawa sa 'kin.
"Hi", nahihiyang bati ni Nail at iniabot ang isang bouquet ng pulang rosas.
Nasa harapan ko na pala siya.
"Thanks.", pasalamat ko at inilapag muna ito sa tabi ko.
Umupo naman siya sa tabi ko at malawak ang pagitan namin.
Tama lang na diyan ka, kahit na nakikita mo ko at nakakasalamuha, hindi pa din kitang kaya gustuhin. Nakikita mo ko pero ang lawak ng pagitan natin. Kahit literal kang lumapit eh ang layo naman na loob natin. Hugot pa Avo!
Tumingin ako sa kaliwa at ayun nakatungo lang siya. Ang pogi niya ngayon. Naka-polo at simpleng pantalon lang. Kahit simple lang at casual ang suot niya ay lumilitaw pa din ang kapogian niya. Hindi talaga maiiwasang madaming magkagusto sa kanya eh.
Pero kahit pogi siya bakit hindi ko siya magustuhan? Diba ganun 'yung iba. Makakita lang sila ng pogi sinasabi na nilang mahal na daw nila. Eh bakit hindi ko ramdam 'yun? Manhid ba talaga ako?
Ilang beses ko na ding sinubukan kaso ayaw ng puso ko eh. Hindi talaga natin mauutusan ang puso.
Ganun ba talaga? Kapag ba nainlove na si puso ay go with the flow lang tayo? Kahit maling oras pa man tumibok ay go lang ng go tayo!
"Huwag ka naman tumingin ng ganyan. Nako-concious ako eh. May mali ba sa ayos ko?", napahawak siya sa batok niya.
Umiling ako bilang sagot. Ang tagal ko sigurong nakatingin sa kanya kaya ganyan.
Sasabihin ko na ba ang pakay ko?
Kapag sinabi ko, masasaktan siya. Ayaw ko siyang masaktan dahil lang sa akin. Ang unfair ko naman kapag ganun diba?
Ay ewan. Tumingin na lang ako sa mga batang masasayang naglalaro dito.
"Nakakamiss maging bata no tulad nila?", tinitingnan ko lang ang mga batang masasaya.
"Oo nga eh.", malungkot niya sabi.
"Bakit mo naman nasabi?", tanong niya. Naramdaman ko namang tumingin siya sa akin at nag-aabang ng isasagot ko.
Hindi ko siya tiningnan at nagsalita na lang. "Dahil walang problema. Masasaya lang. Hindi tulad natin.", bigla na lang akong nalungkot. Hindi ko talaga siya matingnan sa mga mata dahil nababalot ng tuwa ang mga mata niya simula pagdating niya dito. Mas masasaktan naman siya kapag nagtagal ito.
"Bakit may problema ka bang hindi mo kaya?", tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Nail.", mahinang sambit ko sa pangalan niya. Mas lalo naman humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Bakit ka ba ganito Nail? Mas lalo tuloy akong nakokonsenysa.
------
Too Short?
Ang sakit na kasi ng kamay ko eh.
Team AvAil ba?