Adela's pov:
"Naku!tinanghali n ako ng gising", napabalikwas ng bangon si Adela.Nagmamadali nyang kinuha ang timba at kumaripas ng takbo palabas papunta sa igiban ng tubig.May oras kasi ang supply ng Nawasa sa kanilang lugar at kapag di ka maagap ay sa hulihan ng pila ang bagsak mo.Nakailang pabalik-balik si Adela hanggang sa mapuno ang tatlong banga sa kanilang batalan pati mga tabo at batya."Ayos,ang dami kong naigib ",nakangiti nyang sabi habang pinapahid ang pawis sa muka at leeg gamit ang laylayan ng damit.Kinuha nya ang kalan na lata at nilagyan ng boteng walang laman ang pinaka gitna,siniksik nya ng kusot ang palibot at dahan-dahan hinugot ang bote pataas.Kumuha sya ng ilang pnggatong at inumpisahang magparikit ng apoy upang makapag salang ng binusa nyang bigas kagabi na magiging kape nila.Tulog pa ang kanyang tatlong kapatid ng silipin nya sa kanilang tulugan...kapag gabi ....at sala kusina nman ....kapag araw."Maya-maya ay darating na ang nanay galing sa pamimili ng ititinda namin,kaya hoy!,kalan makisama ka."ang sabi nya sa harapan ng kalan na para namang sasagot ito.
Gising na ang mga kapatid ni Adela at nagkakape ng dumating si Aling Onor bitbit ang bayong na may lamang paninda na ilalako nila maya maya.Sinalubong agad ni Adela ang ina at tinulungang bitbitin ang dala nitong mga karne ng baboy,manok,isda na nakabalot- balot na at ilang gulay na pang sahog na ginagamit pagluluto.
Habang nagkakape si aling Onor ay inaayos na ni Adela ang mga paninda nila sa kariton.Dito nakalagay ang paninda nila at itunutulak nila ito papunta sa bahay ng mga suki nila."Ana,ikaw ng bahala sa mga kapatid mo ",ang nakangiting bilin ni aling Onor sa ikalawang anak.Bago tuluyang umalis ay tinawag ni Adela si Boboy,"ikaw ang magbabantay kay ate Ana at neneng ha.ikaw ang lalake kaya ikaw ang magtatanggol sa kanila",ang sabi ni Adela.."Alam ko na yan ate,lagi mo na sinasabi sa akin yan db?",ang sagot ni Boboy.Nagkatawanan sila at naiiling na tinuloy na nila ang pgtulak sa kariton.
BINABASA MO ANG
Paglalakbay
General FictionBata pa lang si Adela ay mulat na siya sa pagiging ate sa tatlong nakababatang kapatid. Matalino siya at madiskarte sa buhay. Katuwang ng kanyang inang si Onor at matapang na tagapagtanggol ng mga kapatid. Sipag at tiyaga, pagtitiis at pagpupursigi...