Alas onse pa lang ay naubos na ng paninda nila.Malaki laki ang tinubo ng mag ina dahil pati natira nilang paninda kahapon ay nabili na rin."Sana ganito lagi nay,makakaipon agad tayo ng pambili ng gamit naming apat sa pasukan",ang masiglang sabi ni Adela habang tinutulak ang kariton na wala ng lamang paninda."Oo anak,sana nga",ang natutuwang sabi ni aling Adela.Malayu-layo pa sa kanilang bahay ay may naririnig na silang nagkakagulo."Naku Onor,si Leon may kaaway na naman ata.Andun sa loob ng bahay nyo at hinahanap sa mga anak mo yung itak nya",ang pa OA na kwento ni aling Merly (number 1 chismosa).Nagtatakbo pauwi ng bahay si aling Onor at mag isa na lng na tinulak ni Adela ang kariton.
Inabutan pa ni Adela ang kanyang nanay na nakaakap sa likuran ng tatay niya upang pigilin ito sa pgsugod sa kaaway na di niya alam kung sino.Maliliit pa lang silang magkakapatid ay nakita na nila ang ganung eksena kaya di na sya masyado takot.Ngayon ay dose anyos na sya,si Anna ay sampu,si Boboy ay walo at si Neneng ay anim na taon na. Lahat ng bisyo ay mayroon ang kanyang tatay.Nagtatrabaho man ay kulang pa sa pangsuporta sa hilig nya.Kaya kahit nuong maliliit pa silang apat ay nagtinda na ng kung anu-ano ang nanay nya upang makaraos sila.
Naputol ang pg mumuni muni ni Adela ng..."Ate,ate ang nanay!!",ang palahaw ni Ana habang hinihila ang laylayan ng knyang damit.Nakita nyang naka upo ang nanay nya at may dugong umaagos sa ilong nito katabi ang nag iiyakan nyang kapatid.Saka pa lang nakalapit ang ilang nagmamalasakit para tumulong na itayo ang nanay nya,habang ang iba naman ay nag uumpisa ng magbulung bulungan."May pgkaka abalahan na naman si aling Merly…",ang naisip ni Adela.
Hatinggabi na ay gising pa si Adela.Hindi nya maintindihan kung bakit natitiis ng kanyang nanay ang mga ginagawa ng tatay nya.Gusto rin nyang tanungin sa tatay nya kung bakit ang tatay ng mga kaibigan nya eh di naman gaya ng tatay nya.Bakit?,...bakit?...,hanggang sa makatulog si Adela na may patak ng luha sa gilid ng mata.
BINABASA MO ANG
Paglalakbay
General FictionBata pa lang si Adela ay mulat na siya sa pagiging ate sa tatlong nakababatang kapatid. Matalino siya at madiskarte sa buhay. Katuwang ng kanyang inang si Onor at matapang na tagapagtanggol ng mga kapatid. Sipag at tiyaga, pagtitiis at pagpupursigi...