Coffee Shop

1.6K 46 28
                                    

"Saan ka naman pupunta na bata ka? Ang aga-aga pa. Atsaka wala ka pa namang trabaho ah?" Pang-uusisa sa akin ni Mama nang makita niyang nakabihis na ako. Masyadong umaga pa nga. Ala sais pa lang ng umaga pero masyadong tanghali na ito sa oras ng pagkakape ko.

"Magkakape lang po Ma, sa kabilang kanto."

"Ano!!? Magkakape lang!!? Pero bihis na bihis ka!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama sa akin. "Tapos magkakape lang!? Doon pa!? Pwede naman dito sa bahay ah?" Dagdag pa nito na parang may masamang iniisip. At ayon, ngumisi na siya. Sabi ko na ba eh.

"Nagtatrabaho ba siya doon?"
Pilyong tanong nito dahil alam na niya. Alam niyang may gusto akong makita doon. Mama talaga.

"Hindi. Pero doon siya nagkakape araw-araw." Ngiting sagot ko naman habang iniimagine ang maganda niyang mukha na palaging seryoso.

"Tinamaan ka yata? Ilang bala?" Saad nito. Hindi ko na mabilang eh. Araw-araw akong tinatamaan sa kaniya.

"Hindi ko alam, Ma. Siguro bawat sulyap ko sa kaniya."

"Ang corny!, Sige na, magkape ka na! Anyway, dalhin mo siya dito sa bahay kapag hindi ka na torpe!" Sabi niya habang tinataboy na ako. Imposible yata yan, Ma! Sobrang torpe ni Diana Mackey eh.

Dali-dali na akong lumabas ng bahay at makapunta sa coffee shop para makapwesto sa malapit nilang pinupwestuhan. Dalawa kase sila. Kaibigan niya yata ang isa. At pareho silang magaganda. Maygahaaaad. Nababakla na ako. Ay bakla pala ako!

Nang makarating na ako sa loob ay tinanaw ko muna kung nandito na ba sila pero parang wala pa yata. Wala kaseng nangingibabaw ang kagandahan sa paningin ko eh. Pumunta na ako sa pinakamalapit sa kanilang pwesto. Alam ko kung saan sila palaging nakapwesto. Almost two weeks ko na kase silang binabantayan, I mean nakikita pala. At almost two weeks ko na rin siyang crush, na hook at first sight ako.

"What's your order po, ma'am?"

Bigla naman bumagal ang ikot ng mundo ko nang makapasok na ang dalawa kong inaabangan. At first time in history na makita kong ngumiti siya! Awei! Ba't ang ganda niya? Naghuhugis puso na ang mga mata ko ngayon.

"Siya po." Sagot ko naman sa nagtanong sa akin kanina habang hindi pa rin inaalis ang aking paningin sa kaniya. Hangga't sa makaupo na nga silang dalawa eh. Na malapit lang dito.

"Huh?" Pagtataka naman nito. At ngayon ko din napagtanto ang isinagot ko sa kaniya. Shet. Mukha na akong patay na patay sa kaniya.

"I mean ang palagi ko pong inoorder dito." Pagtatama ko naman at this time ay nakatingin na ako sa waitress. Baka kase sundan niya ng tingin ang tinitignan ko. At baka malaman niya kung sino ang gusto kong orderin. Mahirap na.

"Sige po." Anang naman nito at umalis na din agad.

Kaya bumalik naman ako sa pagdaydreaming sa kaniya. How I wish na puntahan mo ako dito sa table ko, at magsabi ng 'hi' at 'pwede bang makitable dito' dahil ibibigay ko talaga sayo ang buong coffee shop. Pero dapat ako ang gumagawa niyan diba? Aayyy ang torpe! Baka maunahan na ako---

Naunahan na nga ako. May lalaki na kasing nakitable sa kanila. Pero bago ko lang nakita ang lalaking ito dito ah? Haay. Edi ikaw na! Pero teka nga? Parang hindi naman siya nakitable ah? Kase umalis ang kaibigan niya sa tabi niya, at ang lalaki na iyan ang pumalit. Kaano-ano niya ba yan?

"Hi! Pwede bang makitable dito?" Pukaw sa akin ng??? Kaibigan niya to ah!? Ang umalis sa kaninang pwesto na pinalitan ng lalaki. Bakit siya pa? Pwede naman yung crush ko nalang.

"Sure." Sagot ko dito habang ibinaling na sa kabilang table ang tingin. Umupo naman ang kaibigan niya na dito talaga sa tapat ng mukha ko pumwesto. Urgh. Tinatakpan niya ang view sa kabila. Pero okay lang. Hindi ko naman gusto ang view ngayon eh.

FRANKIANA OneshotsWhere stories live. Discover now