Lily II

716 39 28
                                    

Nakaupo lang ako dito sa tabi niya habang minamasdan ang kaniyang mukha. It's been 23rd day ng mawalan siya nang malay. Hindi namin alam kung kaylan siya magigising. At ang sabi ng doctor na kapag tumagal pa ng isang buwan, there's no chances na mabubuhay pa siya. Because the machines cannot support her life in a long run. At sa ayaw at sa gusto ko, kukunin talaga ng doctor ang mga machines na sumusuporta sa kaniya. I have no choice kundi tanggapin ang posibleng mangyari.



Ang posibleng mangyari na kinatatakutan ko.



Paano na lang si Iano?
Paano na lang ang anak namin kapag iiwanan niya? Lagi pa naman siyang bukambibig nun. At sa tingin ko, ikakamatay din niya na mawala ang DaDia niya. Kahit sa trabaho nga, palagi niya akong kinukulit na puntahan siya.
And paano naman ako? She promised to me na hindi niya ako iiwan. Na nandito lang siya sa tabi ko if I need someone. And now, na kaylangan ko nang karamay, wala siya.



Diana, please wake up na. Sobrang miss ka na ng anak mo. He's always asking me kung kaylan ka magigising. And kakaalis lang nila ni Mama kanina. Hindi kase pwedeng tumagal sa loob ng hospital ang bata lalo na't hindi naman siya ang nakaratay. Gumising ka na dahil ayaw mong makitang umiiyak ang anak mo diba? Ilang beses mo na nga siyang pinaiyak eh. At pati na rin ako. Gumising kana dahil kaylangan din kita. I can't imagine the upcoming days without you. Without your love and care. Kahit na napakaselfish ko na. Hindi ko maimagine na walang magsasabi ng good morning pagkababa ko ng hagdan. Hindi ko maimagine na wala ng may maghihila ng upuan at pagsasandok ng pagkain sa akin ng kusa. I can't imagine seeing our son na wala na siyang inaabangang DaDia niya gabi-gabi. I can't imagine na wala nang may magbibigay sa akin ng bulaklak. I can't imagine na wala nang may magmamahal sa akin. Sa amin. So please, gumising kana kase. Dahil marami ang naghihintay sayo. Sa pagmulat mo ulit ng iyong mata.
















"Mii?" Nagising ako nang marinig ko ang boses ng aking anak.

"We brought you food. And a flower." Sabi nito habang inilalahad na sa akin ang kanilang binili ni Mama.

"Anak, tanggapin mo na. Your son insisted me to buy a flower para ibigay niya sayo. Siya nalang muna ang magbibigay sayo habang tulog pa ang DaDia niya."


Tumulo ang aking luha sa sinabi ni Mama. Kaya tinanggap ko na ang bulaklak na ibinigay ng anak ko sa akin. It is the same flower that Diana used to gave me every night. A stargazer Lily. Na miss ko nang tumanggap ng ganito. Na galing sa kaniya.


"I dare you to love DaDia."


Seryosong sambit nito sa akin na parang nagsusumamo pa. You know I can't resist that. But don't worry because I already took your Dadia's dare when you told me about it last time. Hindi ko yun napag-isipan. But I know, right from this moment, I love your DaDia na.


"Iano let's go home na. Wag mo nang kulitin ang Mommy mo dahil pagod yan."


"Okay. But wait a minute because I'm going to kiss my DaDia a goodnight. And Mommy too."



Tipid na ngumiti lang sa kaniya si Mama. Inaalalayan ko naman ang anak ko dito para halikan ang DaDia niya.


"Goodnight and remember that there's another hope tomorrow. And I'm hoping to see you back home again, DaDia. I already miss you."


Pagkatapos niyang sabihin yun ay humalik ito sa noo ng DaDia niya. Shet. Ilang beses na ba akong umiyak ngayong araw? Ang sakit kase tignan. At lalong sasakit ito kapag lilipas na ang mga araw na hindi pa siya nagigising. Siguro ikakamatay  ko din.


"Goodnight Mii. I don't know how to make you smile again but I'm going to buy your favorite ice cream tomorrow as what DaDia told me." Ngiting sabi nito at humalik din sa aking noo. Anak, wag mo akong lalong paiyakin. Ang sakit na sa mata.



"Sige na. Mauna na kami anak. And bukas pala darating ang Kuya niya. At yung Kuya niya ang magbabantay sa kaniya bukas para makapagpahinga ka." Sabi pa ni Mama at umalis na sila. No. Ayokong magpahinga. I don't want to waste a day without seeing Diana. Kase hindi ko alam kung magigising pa ba siya. Konting araw nalang. Seven days to be exact at mag-iisang buwan na siyang tulog.  And I know what will going to happen after nun. So I don't want to waste a day without her side.



Umupo ako sa tabi niya para makita ko ulit sa malapitan ang kaniyang mukha. Hinaplos ko ito ng dahan-dahan sa unang pagkakataon. Ang lambot. I don't know if this is the feeling when you are caressing the face of your love. Magaan sa pakiramdam na masakit. Masakit dahil ngayon mo lang ito maramdaman kung kailan huli na. Bakit kase ngayon ko lang siya natutunang mahalin? Where in fact hindi naman siya mahirap mahalin. Why I don't have the mindset of loving her noong kasal pa kami? Ughhhh. Sobrang sakit pala. Regrets are always in the end. Kaylangan mo talagang pagsisihan.


































"Mrs. Mackey. I just want you to sign this if you're ready." Sabi ng doctor sa akin na may ibinigay itong papel. Eto na pala.  Isang pirma ko lang, wala na ang aking asawa. I can't. Pero kaylangan ko nang magdesisyon ngayon. Dahil ganun pa rin ang kalalabasan eh. Bakit kase hindi ka gumising Diana? Ayaw na kitang mawala sa buhay ko. Ayaw ko din makikitang nasasaktan ang anak natin. I can bear the pain pero ang anak natin hindi. Ngayong araw ang kumompleto sa isang buwan na ibinigay sayo ng doctor. At any moment from now, wala kana. And I know for sure na naghihintay pa yung anak mo sayo ngayon doon sa bahay. Hindi siya sumuko sa paghihintay ng DaDia niya. Hindi niya alam ito. Hindi niya alam na ito na ang huli. Pero lahat  ng family mo nandito. At umiiyak silang lahat sayo ngayon. They're hoping na magising  ka for the last moment. Pero parang imposible na.


"Doc, pwede mo po ba akong iwan mag-isa dito sa kwarto niya? I just want to. . . . "



Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla akong humahagulhol ng iyak dito.



"Okay. I understand. Pero kaylangan kong bumalik dito within five minutes." Sabi niya at lumabas na din. Parang wala akong lakas na pumirma dito at humakbang patungo sa kaniya. Pero pinilit kong pumunta at umupo sa tabi niya. Kaylangan ko nang magpaalam. Hinaplos ko ulit ang mukha niya for the second and last time around. Ngumiti ako ng mapait dito at nagsalita.




"Naalala mo pa ba yung gabi na bago ka umalis for the business meeting? Tinanong ka nang anak natin of how much do you love me. At hindi ko alam na you are giving me sign sa sagot mo na iyon. You will love me wherever you go kahit hindi kana makabalik pa, diba? Siguro alam mo ang mangyayari kaya ganun. Bakit hindi mo sinabi agad? Pero kasalanan ko naman kase hindi kita minahal agad eh. Marami na akong araw na sinayang na mahalin ka. Ang sakit Diana. Ito na yata ang karma sa akin bilang isang masamang asawa sayo. Minahal na kase kita kung kaylan huli na ang lahat. At ang daya mo naman kase hindi ko alam na araw-araw mo pala ako dinidare to love you. Hindi ko yan malalaman kung hindi pa sinabi ng anak natin sa akin. Pero hindi na maibabalik pa ang mga araw na iyon. But I'm still happy na ikaw ang naging asawa ko. Isang mabait at mapagmahal na asawa. Na kailanman hindi ko ipagpapalit. And yes, tinanggap ko na ang hamon mo na mahalin ka. Paalam na at magpahinga sa paraiso. Mula sa dalawang nagmamahal sayo, Franki and Iano."




Pagkatapos nun ay humalik ako sa kaniyang labi for the first time. Ang sakit pa rin at ang lungkot isipin. Ito na pala ang una at huling halik ko sa kaniya.




Bumitaw na ako dito kahit sobrang labag ito sa aking kalooban. Kinuha ko na ang papel at ballpen na ibinigay sa akin ng doctor kanina. Parang gusto kong umurong. Hindi ko talaga kaya. But it is now or never. Wala akong choice kundi harapin ang reyalidad na ito.




Pero nahagip ng mata ko ang isang Lily na ibinigay ni Iano kahapon.  Kinuha ko ito at tumingin ulit kay Diana.



"I dare you to love me forever. At hinahamon din kitang hintayin mo kami ng anak mo sa ibang mundo."



At inilagay ko na sa kaniyang kamay ang bulaklak na ito.

At pumirma na din ako dito.




___________________________________

Trivia: it's pretty ironic how the word "mahalin" means "to leave" in hiligaynon. Ilonggo kase ako guys😅 pero Karay-a talaga ang kinagisnan ko na lenggwahe. Kaya Alam niyo na hindi ako masyadong fluent sa Tagalog😂

FRANKIANA OneshotsWhere stories live. Discover now