Lily

791 42 24
                                    

Arrange marriage supposedly doesn't last long, pero baliktad yata ito sa sitwasyon ko ngayon. I was married for almost fifteen years na. Pero hindi ko kaylan man minahal ang aking asawa. We are forced to get married for the sake to save my Mom's company. Para magkaroon ako ng worth sa buhay ay ipinakasal niya ako sa hindi ko kilala. At sa kapwa ko pa babae. Pero okay lang yun, kaysa naman sa lalaki.



"Mii! DaDia is here!!" Iano (e-yan-noh) shouted excitedly as he enters my room. Yep. He's my son. May anak kami. I got injected , kahit hindi natural ang proseso ay sobrang natural naman ng anak namin. Gusto ko kase magkaroon ng anak. He is now six years old. At sa kaniya ko ibinigay ang lahat ng pagmamahal.



"Aren't you excited?" Pagtataka nito sa akin na kumunot pa ang kaniyang noo. This is always a routine. Palagi nalang. So hindi mo na talaga magawang maexcite pa.



Umiling ako sa kaniya bilang tugon. Alam kong masasaktan to eh. Pero hindi ko naman kayang magsinungaling dahil ang mga ina ang role model sa kanilang anak. Ayaw kong matutunan niyang magsinungaling. Dahil masama yun. And being honest only means that you're hurting someone with a truth. Lilipas din.


"I'm sad knowing that until now, you didn't still love DaDia."


"I'm sorry honey, but hindi ko kayang mahalin ang DaDia mo." Sagot ko dito at lumuhod sa harapan niya. "But hindi ko naman siya iniwan diba?"


"Yeah. As goes with DaDia. You're still unfair Mii, DaDia loves you so much but you doesn't. . . . But, she said that. . . . It's okay. So, can we go downstairs na?" Tanong nito pero hinihila na niya ako. Ngumiti lang ako sa kaniya habang nagpapahila din. Wala na akong magawa kase DaDia's boy siya. Kay Diana talaga kumakampi.



Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang kaniyang mga ngiti habang tinitignan kaming bumababa sa hagdan. In love pa rin siya sa aming dalawa.



"DaDia! I missed you!" Biglang takbo ni Iano sa kaniya nang makababa na kami sa hagdan. Mahigpit na yumakap ito na parang ilang dekada nang hindi nagkita.



"I missed you too, baby!" Sagot naman ng DaDia niya sa kaniya. Parang ang OA ng dalawang to. Araw-araw naman silang nagkikita ah?



"And Mommy Punky also misses you too." Ngiting dagdag pa niya. Grabe, isinama pa ako.


"Ay, sobrang miss ko din ang Mommy Punky mo eh."
Sabi nito na this time ay nakatingin na sa akin. Alam mo naman na niloloko ka lang ng anak mo.




"Kahit na hindi niya ako kailanman namiss."



Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na may pumatak na luha sa kaniyang mata. Umiyak ba talaga siya? O kaylangan ko nang ipacheck up ang mata ko? Hindi ko naman siya magawang tanungin kase I don't do that. Oo na, ako na ang pinakamasamang asawa sa balat ng sibuyas.




"Tara na. Kumain na tayo." Paanyaya nito while she carries Iano in her arms. Sumunod naman ako sa kanila dahil wala nang mas may ikasama pa kung hindi pa ako magsasabay sa kanila.

Pagkarating sa mesa ay pinaghila pa niya ako ng upuan. Habang si Iano naman ay nagmamasid lang sa amin na nakangiti. Hindi na ito bago sa akin kase palagi naman niya itong ginagawa. Pagkatapos nun ay pinagsasandok pa niya kaming dalawa. Kulang nalang pati ako subuan na rin niya.

At yan ang sagot kung bakit tumagal ang pagsasama namin kahit na arrange marriage lang ito. Mahal niya ako kahit hindi ko na maibabalik ang pagmamahal niyang iyon. Okay na sa kaniya basta huwag ko lang silang iwan ni Iano. Okay na sa kaniya kahit siya lang ang nagmamahal. And ako naman ay sobrang okay na din doon.


FRANKIANA OneshotsWhere stories live. Discover now