Huwag kang lilingon....

481 26 23
                                    

"Anak anong oras ka na naman matutulog?"  

"Sandali na lang po ma! Tatapusin ko lang po sandali tong binabasa ko!"  

"O sige dun ka na lang sa kwarto mo magbasa. Papatayin ko na yung ilaw."  

"Sige po!"  

Pinatay na ng nanay mo yung ilaw kahit na nakaupo ka pa sa sala at inaayos ang nilabas mong notebook kanina para gumawa ng assignment mo. Dahil nauuhaw ka na pumunta ka muna sa kusina pero dahil tinatamad ka na hindi mo na lang binuksan yung ilaw. Dinala mo na lang yung sellphone mo para yun ang gawing ilaw sa dadaanan mo.  

Binuksan mo ang ref niyo at bumungad sayo ang malamig na hangin na nang gagaling sa loob. Kumuha ka ng pitsel at baso. Lumapit ka sa lamesa niyo at doon mo inilapag ang hawak mong pitsel. Malapit mo nang maubos ang tubig mo ng may maramdaman kang malamig na hangin sa likod mo.  

Humarap ka ng mabilis para matignan kung ano yun, ngunit wala kang nakita sa pag harap mo.  

Maya-maya pa ay naramdaman mo na naman ang malamig na hangin malapit sa batok mo. Dahil sa kaba ay napbalikwas ka.  

"Shet ano yun!" ang nasambit mo. Pero napansin mo na nakabukas pala ang freezer niyo.  

"Takte yan lang pala. Akala ko naman kung ano na."  

Binalik mo na sa ref ang pitsel habang iniisip kung binuksan mo ba yung freezer kanina. Alam mong hindi mo binuksan yun. At kung binuksan mo man yun bakit malapit sa batok mo yung malamig na hangin?  

Dahil ayaw mong takutin ang sarili mo hinyaan mo na lang yung nangyari.  

Bumalik ka sa sala para kunin yung mga notebook mo at laptop nang may marinig kang mahinang tawa na nanggaling sa kusina.  

"Sino yan? Kuya nandyan ka ba? Tinatakot mo na naman ako!!"  

Sigaw mo pero wala namang sumasagot sayo.  

Humarap ka na sa gawi ng kwarto mo ng marinig mo na naman ang mahinang tawa kanina.  

"Sino ba yan? Kuya? Hindi ka nakakatawa ha!"  

Dahan dahan kang lumapit sa sa kusina para tignan kung nandun ba yung kuya mo.  

"Kuya?"  

Naramdaman mo ulit yung malamig na hangin kanina at ngayon ay nagtaasan na ang mga balahibo mo.  

"Huy anong ginagawa mo dyan!!?"  

Napatalon ka sa sobrang gulat ng marinig mo ang boses ng kuya mo malapit sa tenga mo!  

"Haha patawa ka! Nananakot ka na naman sumbong kita kay mama dyan eh."  

"Ha? Kakalabas ko lang kaya."  

"Liar! Binuksan mo pa kanina yung freezer kala mo naman matatakot mo ko!"  

"Ewan ko sayo, bahala ka na nga dyan, kakalabas ko lang kasi iihi ako. Kanina pa ako nasa kwarto ko no!"  

Iniwan ka na ng kuya mo ng magisa sa kusina. Alam mo sa sarili mo na totoo ang sinasabi ng kuya mo kaya naman bumilis ng husto ang tibok ng puso mo dahil sa sobrang takot. Hindi ko alam kung anong meron kaya tumakbo ka na langn papasok sa kwarto mo.  

Pagpasok mo ay sobrang dilim ang sumalubong sayo. Hindi mo agad mabuksan ang ilaw dahil sa mga dala mo kaya dali-dali kang lumapit sa kama mo para ibaba ang mga gamit mo.  

Pagbaba na pagbaba mo ng mga gamit mo ay agad kang lumapit sa switch ng ilaw pero bigla kang nanigas sa kinatatayuan mo.  

Nandito na naman yung malamig na hangin.  

Malapit na siya, malapit na malapit.  

"Huwag kang lilingon."  

"Huwag kang lilingon."  

Bulong ng malamig na hangin sa tenga mo.  

Dahil takot na takot ka na ay napadasal ka ng mabilis.  

"Hail Mary full of grace the Lord is with you---"  

"Give us this day our daily bread and forgive us our sins. Hihihi."  

Narinig mong dugtong ng kung ano man sa tenga mo kasabay ng maarahan nitong pag tawa.  

"Huwag kang lilingon."  

Takot na takot ka na kaya binuksan mo na yung ilaw. Doon ka lang nagkaron ng lakas na lumingon sa likod mo.  

Sa harap mo nakita mo ang isang babae na puno ng dugo sa mukha na nanggagaling sa butas na gawa ng tama ng baril sa gitna ng noo niya, isang mata na nakatahi at ilong na naka stapler. At higit sa lahat nakatingin siya sayo habang tumatawa. 

"Huwag kang lilingon." Ang huling sabi niya sayo at saka tumawa nang nakakalilabot.  

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"  

"Ikaw lilingon ka ba?? HAHAHAHAHAHAHA!!!"  

"Sige lumingon ka, tignan mo ako......"

Huwag kang lilingon....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon