Tyler's POV
Mayaman,Gwapo,Matangkad,lahat na yata nasa kanya. Isa rin siyang Leader ng bandang "Shut up and Rock" Bilang isang Leader,kaya niya bang pasikatin ito? Siya si Tyler.
"Bro! Aalis na! Puro ka text diyan!" Siya si Ralph. Ka banda ko rin yan. Siya yung pinakaepal saamin.
"Ito na! Sandali lang!" Tugon ko
"Psh!"
Nagmadali akong bumaba ng kwarto at pumunta sa van. Nakita ko sila Ian at Carlos. Masama nanaman tingin nila sakin. LATE KASI AKO.
"Boss. Ang tagaaaaaal!" Piningot ako ni Carlos. Loko yun ah!
"Boss Tyler,tara na." Sabi ni Manong Driver
Yes. Boss tawag nila sakin.mmehehehe!
"Ralph!" Tinawag ko si Ralph para tanungin.
"Oh?" Tugon niya
"Bakit may Band Practice?"
"May Masquerade Party sa school.."
After 30 minutes. Nandito na rin kami..
.
.
.
.
.
Wow! Maganda parin itong room namin. Dumating na si Rein na may kasamang. MAGANDANG BABAE. TANGNA.
"Boys! May bagong P.A ang grupo." P.A namin siya?! Wow just wow!
"Hindi ka pwede sa position mong yan.." Sabi ko sa babae.
"Tyler.." Awat sakin ni Ralph
"BOYS STOP!! BABAE YAN! RESPETUHIN MO!" Saway ni Rein
Wala paring imik yung babae. Galitin ko kaya?
"Ok. Ang kakantahin niyo, All of Me. Madali lang yan. Alis na ko."
Aalis nanaman?
Ako nalang ang nag lead sakanila. Si Ralph nasa Piano. Si Ian nasa Drums. Si Carlos nasa Violin. At ako nasa Harap may gitara at mic na hawak.
"Ate anong pangalan mo?" Tanong ni Ralph sa babae
"K-Keanna.."
"Hoy babae! Wag ka ngang ano dyan!" Sabat ko.
Keanna pala pangalan mo hah~
"Hala? Bakit naman po?" Ang hinhin niyang magsalita. Babaeng babae
"Nag p-practice kame! Wag kang manggulo!"
"Nagtanong lang naman po si..." Tinignan niya si Ralph. Si Ralph naman sinabi niya yung pangalan niya.
"Sir Ralph po.."
"Aish!"
"Keanna! Bilan mo kami ng Gatorade" utos ni Ian.
Umalis agad si Keannna. Natataranta yata.
"Guys! Habang naghihintay tayo dun sa babaeng yon. Mag practice na tayo."
"Yess Boss!
All of Me lang naman yung kinanta namin. Dumating si Keanna nung part na nasa "How many times do I have to tell you.." Nakita kong nag wink si Ralph sa kanya. Ngumiti naman siya,namula pa. Narining kong nag ring ang cellphone niya. Tinigil ko yung pagkanta ko at pumunta sa harap niya.
"Alam mo bang bawal ang cellphone dito?!"
Hindi siya umiimik. Nagpipigil ng luha.
"Akin na nga yan!" Kinuha ko cellphone niya. Binagsak ko at tinapakan. Kumuha ako ng gatorade at ibinuhos sa cellphone niya.
"Bro! Tama na yan." Awat ni Carlos
Umalis si Keanna habang umiiyak. Kawawa naman! Hahah!
"Keanna wait!" Takte ka talaga Ralph!
Hinabol lang naman niya si Keanna! -_-