2: Work

0 0 0
                                    

Keanna's POV

Ang cellphone ko :( tinapakan,binuhusan, LAHAT NA. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ni Sir Tyler sakin. Pagpasok ko lang sa studio,nag iinit na siya. Sabi ni Manager Rein na mababait ang members dun. Hindi pala. Pumunta ako sa MiniStop kung saan ang tambayan ko pag malungkot. Naupo ako sa dulo ng shop at umidlip. May kumalabit sakin,tinignan ko siya. Si Ralph,Si Ralph na may Hawak na Ice Cream.

"Im here to cheer you up." Nag wink siya sakin "Ito Ice Cream.." Inabot niya yung Ice Cream niya sakin.

"T-thank you Sir Ralph.."

"Aish! Ralph nalang!"

"R-Ralph.."

"Haha ang cute mo naman Keanna!" Pinisil niya pisngi ko.

So ayun! Haha! Marami naring Topic na napagusapan.. Then nagring yung cellphone niya.

"Boss, ay oo kasama ko siya,sige.." Ano daw?

"Tara. Balik tayo sa Studio."

"A-ayaw k-ko.."

"Tss. Kaibigan mo ko. Akong bahala sayo." Napangiti ako sa sinabi niya.

Sumakay kami sa kotse niya. Ang bango. Nakatulog ang ako for a while. Medyo natagalan kami. Traffic.

"Keanna? Gising ka na.."

Unat then hikab. Nakakahiya.

"Cute mo talaga! Hahah! Tara?"

"Hmm.."

Nakita ko si Manager Rein. Mukhang nag woworry..

"Keanna. Im sorry." Bakit nagsosorry si Manager?

"Manager.. Bakit.. Po?" Tanong ko

"Tatanggalan na kita ng trabaho."

Whaaaat?!

"Dapat lang po. Paki sabi nalang po sa leader ng banda na palitan niya yung cellphone ko..po."

"What happend?!"

Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari kanina.

"Bad." Tipid niyang sagot "Ralph! Tawagin mo nga si Tyler!" Hala?

"Kelan niya pa to ginawa?" Tanong niya

"Kanina lang po.."

"Rein! Nandito na si Tyler."

Nakita ko si Tyler,parang walang nangyari..

"Tyler! May sorry ka kay Keanna!"

"Hell no.." Tipid niyang sagot

Binigay sakin ni Ralph yung iniinom niyang Gatorade. "Want? Ibuhos mo sa kanya yan" nag wink siya sakin. Hindi ko yata magagawa yan..

"Ano?! Ibubuhos mo sakin yan?!" Tyler.. Im sorry.

Huminga ako ng malalim at "Sir Tyler, Im sorry po.." Ininom ko nalang lahat at tinapon ko sa basurahan yung bote. "Manager Rein,thank you po." Umalis nalang ako para umuwi.

Masquerade PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon