3: Kuya

0 0 0
                                    

Keanna's POV

Matagal ko nang di nakikita ang banda simula nung umalis ako. Nakakamiss sila. May nagdoorbell sa Apartment ko. LBC? Di naman ako nag order hah?

"Kayo po ba si Keanna Carlos?"

"Ay oo ako nga."

"Ito po." Inabot niya sakin yung Box na white.

"Thank you."

Pagbukas ko ng Box na white. IPHONE 6 PLUS. Wow! Nanlaki mata ko. Mahal neto ah? Then may nahulog na piece of paper. Letter yata to?

Keanna,

Nakita mo ba? Maganda diba? Sayo na yan. Alam ko namang mali yung ginawa ko sayo. Nakilala mo na ko? Haha! Kita tayo sa MiniStop bukas! 10am Sharp.

Si Tyler naman yata to -_-" pero thank you.

.

.

.

.

.

9:30am ready na ko. Haha! Paalis na ko ng pinto. Shete ano nanaman ba to? Si Tyler nakasandal sa sasakyan niya. Bad Mood ako.

"Maganda ba?" Sabay turo niya sa Kotse niya. Inirapan ko nalang. Napakayabang talaga ng gagong yun. Tsk. Susumbatan ko na to eh. Dapat pala di na ko tumupad sa usapan.

"Hinde." Sagot ko
"Tara. Sabay ka na." Binuksan niya yung kanang pinto ng sasakyan.
"Ayoko." Tumalikod ako bigla. Tbh. Gusto kong sumakay. GUSTONG GUSTO

Pinaandar niya yung sasakyan niya. Saktong nasa tapat ako ng putik at boooogsh! Tinalsikan niya ako. Gago talaga yun. Binuksan niya yung bintana. Nakatingin siya sa malayo,nagpipigil ng tawa. Aish!

"I hate you!" Sigaw ko sa tenga niya gulag na gulat ang aura niya. Umuwi nalang ako sa bahay. Nagkulong ako sa kwarto. Nakakainis kasi. "Ano na kayang ginagawa nun?" Bulong ko sa sarili ko. Umuulan na kasi,may bagyo daw sabi ng News caster kanina. Binuksan ko yung binatana ng kwarto. Si Tyler nakatayo lang sa tapat ng gate,basang basa. Madali akong bumaba,kumuha na rin ako ng payong at towel. Tanga naman neto,umuulan na nga,di pa umalis. Binuksan ko na yung gate pero ayaw niyang pumasok.

"Tyler! Pumasok ka na!" Kinalabit ko siya. Ayaw niya parin. Hinawakan ko noo niya. Ang init.
"Tyler! Wag nang maarte. May lagnat ka na." Hinila ko siya papasok ng bahay.
"Umupo ka muna dito." Sabi ko "kukuha lang ako ng twalya tapos ng damit."
Pumanik ako sa kwarto ni kuya. I really miss him. Naalala ko yung masasayang moment namin. Kinuha ko yung hello kitty niyang tshirt. Ito kasi yung favorite kong tshirt niya. Kumuha na rin ako ng twalya.

"Tyler. Suotin mo muna ito oh~"
"Hello Kitty?!"
"Oo! Kita mo naman diba?"
"Kanino yan?"
"Sa kuya ko."
"Nasan kuya mo?" Daming tanong.
"May mga tanong na hindi dapat sagutin... Aish! Suotin mo na kasi. Magtitimpla lang ako ng kape.."

Bakit niya tinanong yun? Ang sakit naman. Habang hinahalo ko yung kape ni Gago "ouch!!!" Di ko namalayan na natapon na yung kape. Malalim kasi iniisip ko.

"Keanna? May nangyari ba?" Tanong ni Tyler. Bagay sa kanya yung damit. Parang si kuya lang.
"A-h wala to. Ha-ha ang tanga ko kasi." Namimiss ko na si Kuya Keanno.
"Aish! Ako na nga diyan."
Hinayaan ko nalang siya. Naalala ko lang si Kuya Keanno sa kanya. Hindi ko napigilang umiyak.
"Hala?! Bakit ka umiiyak?!" Pinunasan niya ako. Caring din pala to eh.
"Ha?... Wala..to"
"Meron."
"Umuwi ka na.."
"Pero malakas pa ulan."
"Sabi nang umalis ka na eh!!!!!!" Natulak ko siya ng maypagkamalakas. Niyakap niya ko,pilit kong kalasin pero hindi. Masyado siyang malakas.
"May problema ka.."
"Bitawan mo nga ko!"
"I won't.."
Hinayaan ko nalang siyang nakayakap sakin. Bakit kasi yung Hello Kitty pa binigay ko. Naalala ko lang si Kuya. Mabait rin pala tong si Tyler. Maya't maya kinalas na ni Tyler yung pagkayakap niya sakin.

"Ano bang problema?" Tanong niya sakin.
"Naalala ko lang si Kuya Keanno.."
"Si Keanno?!" Nabigla siya nung sinabi ko pangalan ni Kuya.
"Oo bakit?"
"He's my bestfriend. Nung time na bulag siya. Lagi akong nasa tabi niya. Hindi nga kami mapaghiwalay eh.."

SIYA PALA YUNG BESTFRIEND NI KUYA?! SIYA YUNG MAGIGING ASAWA KO SA FUTURE?! Nooooooo!!!!!!

Masquerade PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon