Simula

28 1 0
                                    

"Good morning Mister Rogers."

Sabay-sabay na bati ng lahat ng empleyado nang makita akong papalapit na sa kanilang puwesto. Nanatiling nakayuko Ang mga ito habang hinihintay ang paglapit ko at ng sangkatutak na mga bodyguards na nakasunod sakin. Ngunit bago pa man ako makarating sa puwesto nila ay agad ko nang narinig ang malalakas na yabag na dulot ng stilettong suot ng mga paang patungo sa 'kin.  Sinalubong ako ni Ms. Xiao ng may tipid na ngiti at seryosong mukha. Ang may pinakamapupula at malalamang pisngi na nakilala ko, she's a Filipino-Japanese at akmang akma ang itsura niya na kahit unang kita mo pa lang alam mo nang may lahing Japanese Siya. Shitsuke Xiao is my long time secretary for almost three years, iginaya niya ako sa direksyon ng pagdadausan ng meeting. Habang naglalakad ay isa-isa niyang binabanggit ang mga appointments at meetings na kailangan ng presensya ko.

"You also have luncheon meeting with the board members of Les Tresias Company at exactly 12 noon Sir." pormal na wika ni Ms. Xiao na abala sa pagbubuklat ng chart na bitbit.

"What else? In the afternoon?" taas noong tanong ko habang pormal at seryosong naglalakad.

"You cancelled all your appointments in the afternoon Sir." Literal na natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinagot niya.

"I cancelled it? Why?"

Ramdam ko Ang pagkagulat ni Suke dahil nanlaki ang singkit nitong mga mata na nakatago sa makapal nitong antipara. "To-today's your wedding anniversary Sir." sagot Niya.

Napaamang ako dahil sa gulat. Hindi ko inaasahang ang bilis ng panahon at ngayon na pala Ang araw na yon. Napapikit ako sa sobrang inis at kinagat ang pang-ibabang labi. How stupid! Ang dating seryoso at pormal Kong aura ay agad na napalitan ng kabadong mukha at pagkabalisa.

Agaran Kong dinukot Ang telepono ko mula sa bulsa ng  slacks at idial Ang  numero ng wedding and party organizer na kilala ko. And in just one call, everything's settle. Ngunit Nang maalang may Mali pala sa aming pagsasama, agad na umusbong ang lungkot sa king puso.

"Ooozz... Someone forgot their anniversary AGAIN!" nagulat ako sa malakas na sigaw na yon. Nagmumula ito sa bandang likuran ko at kahit di ko na ito lingunin ay alam ko na kung sino Siya. Napabuntong hininga akong humarap sa kanya at di nga ako nagkakamali, si Clamp. Ang pinakamaingay at pinakamakulit na kaibigan ko.

"Hi man!" bati ko sa kanya nang makalapit ito. Agad naman Niya akong niyakap nang Kay higpit na para bang ngayon lang uli nagkita. "Makayakap ka, bading mo!" natatawang wika ko at kumalas sa yakap Niya. "Why are you here dude?"

"To warn you about your heart." seryosong usal Niya na tinatapik-tapik pa Ang balikat ko. "Bwuahahahaha just kidding!" biglang bawi nito at medyo lumapit sa may tainga ko. "Seriously man, stop making yourself stupid. She don't love you." bulong niya bago tuluyang Lampasan ako. Napako ako sa kinatatayuan ko at parang may kung anong espada Ang tumusok sa puso ko. Si Clamp ang kauna-unahang naging kaibigan ko nang pumasok ako sa business industry. Siya ang nagsisilbing gabay ko sa lahat ng bagay maging sa mga desisyon ko bago ko marating ang kinatatayuan ko ngayon. Alam Niya lahat ng tungkol sa 'kin maging kung saan ako nagmula. Ganon rin ako sa kanya. Pareho kaming nagmula sa hirap kaya ganon na lang namin pinapahalagahan Ang isa't-isa. Maging Ang buhay pag-aasawa ko ay alam rin Niya.

"Never hold on to someone who doesn't care about losing you dude!" sigaw Niya pa at itinaas ang kanang kamay bilang paalam.

Napabuntong hininga na lamang akong sumunod at maya-maya'y nagsimula na nga ang meeting.

*BOG!*

GULAT kong iminulat ang aking mga mata nang marinig Ang malakas na kalabog sa pinto. Agad na tumingala mula sa mesang hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala. Magdadalawang oras na Kasi akong naghihintay sa taong hindi ko alam kung darating pa ba.

Inilibot ko Ang paningin sa kabuuan ng restaurant na nirentahan ko pa at pinaganda ang disenyo para sana sa ikalawang Anibersaryo namin ng asawa ko. Tumambad sa akin si Alisha na malayo pa lang sobrang sama na ng tingin sa akin.

'Bakit ka ba nagkakaganito mahal ko?'

Gusto ko sanang isatinig ang tanong na iyon ngunit iisipin ko pa lang na sisigawan na naman niya ako ay nasasaktan na ako.

Napabuntong hininga akong tumayo at hinila ang upuang nasa harap ko upang alalayan syang makaupo ngunit tumigil ito sa harap ko at sobrang sama talaga ng tingin niya sa akin. "Ano na naman to?!" tanong niya at makikita mo talaga ang galit at pandidiri sa mukha niya. Ang ekspresyong iyon, ang unti-unting dumudurog sa puso ko. Nakangiting tiningnan ko sya at pilit nilalabanan ang sakit na nararamdaman.

"Happy 4th anniversary my lovesss.." malambing na wika ko at iniabot ang bouquet na nasa mesa at ibinigay iyon sa kanya. Kita ko ang gulat Niya ngunit agad Niya rin itong pinalis at nag-iwas ng tingin.

"Tss. Kailan mo ba maiintindihan? Sa paningin ko, hindi Tayo kasal!" muling bumalik ang kanyang masamang tingin at pinagdiinan pa Ang huling linya. Saglit pa kaming nagtitigan at ako na mismo ang umiwas dahil ayaw kong makita Niya Ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

"Have a seat my loves."

Padabog itong umupo at walang ganang tinignan ang paligid. "You like it? Pinadisenyo ko pa 'to kay Pops. Yung friend nating nagdesign rin ng venue ng reception natin." Nakangiting kweto ko pa habang isa-isang tinitignan ang mga pagkain sa menu.

"Hindi ko sinabing gawin mo 'to, kaya wag mo kong susumbatan." malamig ngunit ramdam mo parin Ang galit sa tono ng pananalita Niya. Naibaba ko Ang hawak Kong menu at napatitig sa kanya na abala lang sa pagbubungkal sa mamahaling bag niya.

"That's not what I meant my loves. Wha-what do you want to eat?" pag-iiba ko ng usapan. Pinili Kong wag masira Ang mood ko para maging mapayapa Ang selebrasyon na ito. It's been four years since we got married, pero ganito pa rin Ang pakikitungo Niya sa akin. Malamig at laging walang paki alam. Galit na para bang laging ako Ang may kasalanan. Napailing na lamang ako nang hindi nya ako sagutin.

Umorder lang kami ng dessert at saka kinain yon. Nauna siyang natapos at pinunasan Ang labi, nang makitang may natira pang tsokolate sa gilid ng labi niya ay dumampot ako ng tissue at marahang pinahiran Ang parteng iyon. Nanatili Ang kamay at paningin ko sa kanya. Hinaplos ko ang pisngi nito at wala sa sariling napaluha dahil ngayon ko lang ulit to nagawa. "Mahal na mahal kita Alisha."

"Aalis na ako." paalam niya na iniwas pa ang mukha sa kamay ko at tumayo. Napayuko ako dahil pakiramdam ko'y napahiya ako sa inasal Kong iyon. Maraming buntong hininga pa Ang binitiwan ko bago pinunasan ang sariling luha. Ang simpleng pagpupunas ng luha na dati Siya Ang gumagawa.

"Thank you for the treat." dinig Kong wika niya bago tinahak Ang Daan papalabas.

"Hanggang kailan ka magkakaganito?" seryosong tanong ko at sinadyang lakasan ang boses. Tumigil ito sa paglalakad at matagal pa bago nagsalita.

"Until you set me free." malamig Niyang Sabi at walang lingunang umalis.

Hindi ko napigilang suntukin ang mesa dahil sa magkahalong inis at sakit na nararamdaman ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko at pakiramdam ko'y maya-maya sasabog na ito. Napatingin ako sa bulaklak na iniwan Niya lang sa mesa at walang kaanu-ano'y napaluha.

'Until you set me free.'

'Until you set me free.'

'Until you set me free.'

Nagpaulit-ulit sa tainga ko ang salitang binitawan niya kasabay rin ng unti-unting pagpiga Non sa puso ko.

"Ano bang mahirap intindihin sa salitang 'mahal kita'?!! Mahal kita! Mahal kita kaya ako nagkakaganito!" Malakas na sigaw ko na animo'y ako lang Ang naririto sa lugar na to. Naitikom ko Ang kamao ko at habol habol Ang hiningang itinabig ang lahat ng laman ng mesang nasa harap ko! Dahilan upang mabasag Ang mga Plato, wine glass at vase.

"Sir!" awat sa akin ng waiter Pero  agad rin itong lumayo nang "Aahhhh!!!" sigaw ko habang buong lakas na itinumba Ang mesa. Kasabay ng pagwawala ko ay Ang pagkawala rin ng lakas ko, hingal pa akong napaluhod bago tuluyang tumumba at humiga sa malamig nilang sahig. Nakatulala lamang ako sa kisame ng restaurant habang hinahabol parin ang aking hininga.

"Hindi ako kayang mahalin ng babaeng napilitan lang magpakasal sa 'kin." wika ko at tuluyang pumikit kasabay ng muling pag-agos ng mga luha at paninikip ng dibdib.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KAHIT MINSAN LANG (Hacksaw Rogers)Where stories live. Discover now