CHAPTER 4

2 0 0
                                    


Shantel Queen's POV

Nakarating kami agad. Di naman to ang unang beses na makakapasok ako ng bar. Madalas kaming pumunta noon ng mga dati kong kaibigan. Di rin ako masyadong umiinom ng alak. Hang out lang ganon. Pumasok na kami sa loob, syempre maingay. Nagkalat ang nagme-make out kung saang sulok. May itinuro samin ang isang waitress na seats. Umupo kami doon at agad na umorder ang mga kasama ko ng iinumin nila. Ako? Juice lang. Bait kaya ako hehe! Nagkakasiyahan na sila. Yung iba naming kasama, lasing na. Napunta saken ang atensyon nila ng tawagin ako ni Jorene.

"Shantel, shot ka naman oh!" Sabi nya.
"Nako, di ako umiinom e. Pasensya ka na Jorene." Tanggi ko.
"Sige naaaa! Minsan lang ako magbirthday kaya pagbigyan mo nako. Isa lang oh!" Sabi nya habang inaabot ang isang basito ng alak. Pinipilit na din ako ng iba kong kasama kaya tinanggap ko na din. Isa, hanggang dumami na ang naiinom ko. Nahihilo na din ako. Pare-pareho na kaming may tama.
"Sayaw tayo guys!" Sabi ng isa naming kasama. Di nako nakatanggi dahil hinila nako ni Elle papunta sa gitna. Wala nakong nagawa kundi makisayaw sa kanila.

Mas lalo akong nahilo dahil nga sumasayaw kami. Di ko na kaya ang hilo kaya umalis ako sa dance floor at babalik na sana sa pwesto namin ng may makabangga ako.

"Fuck, are you blind?" Sabi ng isang lalaki na may baritonong boses.
"Nako pasensya na *hik* di kita napansin *hik* e" Sagot ko. Lasing na yata ako.
"Get out on my way you stupid bitch!" Sabi nya. The next thing happen, sinampal ko sya.
"Napakayabang mo naman Mister! *hik* you don't have any *hik* right *hik* to call me bitch because *hik* I'm not *hik* bitch!" Sabi ko. Sobrang nahihilo na ko! >.<
"And you don't have any ghjsgbagajnkganm" Wala nakong naintindihan dahil nag-black na ang paligid.

Author's Note: Hopefully may nagbabasa :(( Any suggestions? Free to leave a message :)) thank you! Love love love ❣️

_maipen

The Bachelor's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon