CHAPTER 2

3 0 0
                                    


Shantel Queen's POV

Naging busy ako hanggang matapos ang shift ko. Nagmadali akong magbihis.

Beep~
From: BessyKoy Jiro

Bilisan mo, hatid kita. Dito ako sa labas :)

Sabi ko na nga ba di ako matitiis netong mokong na'to e! Binilisan ko na at lumabas nako.

"Oy bes. Bat moko ihahatid?" Bungad ko.
"Wala. Gusto kong matikman luto ni Nanay Flor. Bawal ba?" Sabi nya.
"Hindi naman. 'Lika na?" At sumakay kami sa kotse nya. Bigatin bestfriend ko no? May auto hehe! Maya-maya lang nakarating na kami sa bahay ni Manang Flor. Kumatok ako at agad naman nyang binuksan.

"Manang Flor, mano po!" Sabi ko.
"Iha, Jiro , pasok kayo. Sakto a. Nagluto ako ng adobo." Sabi nito.
"Sabi ko na nga ba magluluto si Nay Flor e!" Ani Jiro.
"Hay nako bes, puro ka katakawan pero di ka naman tumataba." Sabi ko. Takaw e!
"Tama na yan mga bata, kumain na tayo." Ani Manang Flor. Naghain na si Manang Flor, mabait sya. Sobrang bait. Siya ang tumayo kong magulang nung mamatay si Mommy Irene. Adopted nya ako. Kung sino biological parents ko? Di ko alam.
"Oh, kain na tayo. Shantel Ija? Ikaw na ang magdasal." Sabi nya.
"Sige po." At nagdasal na ko. Pagkatapos nun ay kumain na kami. Syempre di nawala ang asaran sa pagitan namin ni Jiro. Natatawa na lang si Manang Flor saming dalawa.

"Salamat po sa masarap na hapunan, 'Nay Flor. Grabe, busog na busog po talaga ako. Sarap nyo po talagang magluto." Sunod sunod na sabi ni Jiro.
"Nako, nambola ka pa Ijo. Bumalik ka lang at magluluto ako." Nakangiti sabi ni Manang Flor. Nagpaalam na si Jiro samin ni Manang Flor.

Umakyat ako agad at nahiga. Grabe, nakakapagod talaga. Kung sana lang di nagkasakit si Mommy Irene at kung di ganid ang pamilya nya, masarap pa sana ang buhay ko at nabibili ko pa din lahat ng gusto ko.

Author's Note: Sino kayang pwedeng maging cast neto? Free to leave a message for any suggestions :)) Thank youu! ❤️ Love love love ❣️

_maipen

The Bachelor's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon