UNANG BANAT

10 0 0
                                    

SANA'Y MABUONG MULI

Akala ko'y iba
Pero pareho lang din pa la nila
Itinurin ko pa'ng bukod
Sa dulo'y magdudulot rin pa la sa akin ng lungkot

Baga sa isa, dalawa, tatlo
Hindi pwedeng walang isang magloloko
Sa apat, lima, anim
Mayroon pa ding isang makalilimot sa atin
Sa ika-pito, walo, siyam
Unti-unti ding mawawasak ang samahan
At sa pagsapit ng sampu
Aasa na lang tayo na sana'y muli pa'ng mabuo

Nasaan na ang solidong samahan?
Kasama na bang naparam ng mga problemang nagdaan?
Nasaan na ang malalakas na tawanan?
Natabunan na ba ng sakit at kalungkutan?
Nasaan na ang di paawat na mga biruan?
Napigilan na ba ng pagkakapikunan?

Naglaho na nga bang tuluyan ang tropa
Porque may nakalimot na isa, magsusunod-sunod na?
Dati animo'y di matitibag ng pinakamalakas na bagyo
Subalit nagkulang lang sa oras ang ilan, natibag na tayo

Kaya't muli akong magbibilang
Isa, dalawa, tatlo
Wala na ang tropa ko
Apat, lima, anim
Napakahirap nong tanggapin
Pito, walo, siyam
Subalit ang pagtanggap ay kailangan
At sa ika-sampu
Aasa na lamang na muli pa tayo mabubuo.

Spoken FeelingsWhere stories live. Discover now