KAILAN KAYA
Panulaan ni Binibining_bitter21Kailan kaya masasabing mayroon na akong iba
Kailan kaya niya malalaman na may iba na
Kailan kaya niya isisiwalat na ako ang iba niya
Kailan kaya?Hanggang kailan mananatili sa isang relasyon
Na imbis na tumatag ay pinaghihina ng panahon
Kailan kaya darating ang magandang pagkakataon
Ng itong damdami'y mailabas na sa kahonAyokong makapanakit ng damdamin ng iba
Subalit ganon naman ang dala ng katotohanan diba
Pilit man kitang iiwas sa sakit
Di pa rin magagawa dahil iyan ay kasama ng pag-ibigNais pa sana kitang hawakan ng mahigpit
Subalit sa bawat pagsubok ko'y tila mas lalong pumapait
Ayokong lokohin ang sarili ko na mahal pa kita
Lalo pa ngayo't malapit na ako sa ibaPatawad sapagkat nagawa kong tumingin sa iba
Patawad sa walang hanggang di na magaganap pa
Patawad sa mga pangakong mananatiling salita
Patawad dahil imbis na pasiyahin ay niloko pa kitaNaalala ko ang sinabi mo sa akin
Na pag ayaw ko na magsabi't ako'y palalayain
Subalit di mo sinabi kung sa paanong paraan ko dapat sabihin
Kaya't ngayo'y di alam anong dapat gawinTatlo ang anggulo ng ating kwento
Ako na makakasakit, ikaw na masasaktan at nagmahal lang na siya
Kailan kaya masasabi ang mga nadarama nating ito
Kailan kaya?PS: Sana kapag nangyari yung
YOU ARE READING
Spoken Feelings
PoésieYung mga bagay na di nasasabi sa personal Ay sasabihin sa pamamagitan ng mga tula At kung ang ilang parte ay hindi tutugma Patawad sa magiging pagkakamali MAHAL.