IKALAWANG BANAT

6 0 0
                                        

KALANGITAN

ULAP
Nais kong maging bahagi ng mga ulap sa langit
Upang ng sa gayo'y kahit magkalayo tayo
Abot tanaw naman ako ng mga mata mo
At madarama ko pa rin ang iyong pagtitig

ARAW
Sana'y kapwa kita nakatanaw sa papalubog na araw
Ng upang sabay tayong matauhan
Na lilipas na naman ang araw na di ang kamay mo ang aking hawak

BITUIN
Isa kang bituin na kailanma'y di ko susungkitin
Sapagkat kahit ikaw ay malayo sa aking piling
Batid ko naman na ikaw ay akin

BUWAN
Saksi ka sa mga naging pagluha sa gabi
Sa lahat ng nakaaalam ikaw ang di marunong magsabi
Kahit alam mo ang dahilan ng pilit kong mga ngiti
At kung paano ito mapapawi

Spoken FeelingsWhere stories live. Discover now