Kailan nga ba natin masasabi na tapos na ang lahat? Na pagkatapos malagpasan ang lahat ng unos ay magiging maayos na ang susunod pang kabanata ng buhay natin? Hanggang kailan ba tayo magiging matapang sa pagharap sa mga pagsubok? Hanggang saan tayo dadalhin ng lakas ng loob at tiwala hindi lang sa sarili natin at sa mga taong kinakapitan natin kundi higit sa lahat ay ang tiwala natin sa Diyos? Hanggang kailan ba pwedeng angkinin ang isang bagay na inakala nating atin na ngang talaga? Makakaya mo pa bang magbigay ng tiwala pagkatapos mong masaktan ng sobra dahil sa isang sumpaang pinaasa ka ng husto? Makakaya mo bang sundin ang prinsipyo mo kung may isang buhay na kailangan mong isalba? Higi sa lahat, kaya nga bang patunayan ng dalawang pusong nagmamahalan na LOVE CONQUERS ALL? na LOVE IS ALL THAT MATTERS? na LOVE NEVER LIES?
“Darating ang araw,
magkikita uli tayo, Tanda.
At sa pagkikita nating ‘yun,
mamahalin kita limang minuto
bago ka pa man makarating sa tabi ko
at 5 minutes to lifetime na hinding hindi
na magbabago. Ikaw at ako. Ako at ikaw for eternity. Beyond forever pa,
gaya ng sumpaan natin.
I will save forever for us, Love.
JUST THE TWO OF US.”
Pagkatapos ko pong basahin uli ang 5 Minutes to Lifetime, natagpuan ko na lang po ang sarili ko na gumagawa ng Book 2. Na may mga bagay pa akong dapat ikonekta. Nag-iisip ako ng magandang plot hanggang sa tumawag sa akin ang isang kaibigan ko at humihingi ng advice tungkol sa buhay-may asawa niya. Hanggang isang ideya ang pumasok sa utak ko. At ito na nga po yun!
Salamat po ng marami sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa po.
-Princess Alilaya
BINABASA MO ANG
5 Minutes To Lifetime: Book 2 (COMPLETED)
RomanceWARNING: READ BOOK 1 FIRST BEFORE THIS ONE After kong basahin ng diretso at buo ang 5 Minutes to Lifetime, I felt that something is actually missing. May mga parte na hindi naging malinaw (ipagpatawad nyo po ang maraming typographical errors. Hehehe...