'' Wanna spend every tomorrow. With you baby, nothing is impossible. Fly you to the moon at the front row.
There's no limit, let's go.''
-Danris
''Sometimes we simply fall out but that
don't change the fact.I'm tied to your love
like heaven's chainsalways..''
–Marniel
Nag alay muna ng taimtim na panalangin ang dalawa kahit pa nga umuulan pagkatapos ay magkahawak-kamay na nilisan ang sementeryo. Kalakip ang panibagong pag asa para sa kanilang dalawa. Habang hawak ni Danris ang palad ni Marniel, sumagi sa isipan niya ang kantang I Will Wait For You. “The time has come, Love” wika ng isip niya. Limang taon siyang nagtiis. Naghintay at nawalan na nga ng pag asang mararamdaman niya pa ang kaligayahang nararamdaman sa mga oras na yun. Ah! Sana nga wala ng katapusan pa yun.
On the other side naman, Marniel couldn’t ask for more. At long last, nasa tabi niya na ang lalaking minahal niya sa maling panahon ngunit nanatili pa ring nasa puso niya hanggang sa naging tama na ang lahat. Pagkatapos ng mga nangyari noon, alam niya, kakayanin nilang dalawa ang mga darating pang pagsubok sa kanila. Napabuntong hininga si Marniel. Bagay na napansin ni Danris.
“Bakit?” tanong nito. “Wala,” sagot ni Marniel na napangiti. “Hindi ko lang kasi iniexpect na mauuwi sa ganito ang pagbisita ko kay Ate. Na makikita kita ulit at mahahawakan ng ganito. Buti na lang pala, naghintay ako. Umasa ako kahit may mga pagkakataon na gusto ko ng sumuko.”
“Ako rin. Para nga siguro tayo sa isa’t isa.” Sambit ni Danris na huminto at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa baba upang magtama ang kanilang mga mata. Marniel can see the love and sincerity in Danris’ eyes kahit pa nga basang basa na sila. Or maybe it’s the reflection of what she feels towards him on that very moment. Either of the two, alam niya, totoo yun.
“I won’t let you go, Marniel. From now on, dito ka lang sa tabi ko. Understand?” he said then he planted a soft, long kiss on her lips.
Mabuti na lamang at may mga dala silang bihisan sa kanikanilang sasakyan. Dumaan muna sila sa isang kainan, nagbihis at kumain.
Convoy na bumalik ng Davao ang dalawa, sa tahanan nina Mateo at Brigitte. Nagulat man ang mag asawa ay tuwang tuwa ang mga ito. Saksi sila sa hirap na pinagdaanan ng dalawa. Pagkatapos ng hapunan ay nagkaroon ng pagkakataong mag usap sina Mateo at Danris.
“Gusto kong magalit sa’yo noon sa hospital, hijo. Pero nakita ko ang paghihirap mo at walang may gustong mangyari yun. Nakausap rin namin si Catherina at sinabi niyang wala kang hinangad kundi ang matulungan ang anak ko sa pinagdadaanan niya. When you left, I knew right there and then na babalik ka for my daughter. Marami lang kailangang isakripisyo muna. Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil dalawang anak ko pa ang minahal mo. Nakita ko kung paano ka nasaktan sa pagkawala ni Erich noon at nakita ko rin kung gaano ka mas nasaktan sa nangyari kay Marniel.” Mahabang sabi ni Mateo.
BINABASA MO ANG
5 Minutes To Lifetime: Book 2 (COMPLETED)
RomantizmWARNING: READ BOOK 1 FIRST BEFORE THIS ONE After kong basahin ng diretso at buo ang 5 Minutes to Lifetime, I felt that something is actually missing. May mga parte na hindi naging malinaw (ipagpatawad nyo po ang maraming typographical errors. Hehehe...