"Ate, you need to wake up na! Malalate na tayo ano ba. Bangon na kasi! Huy Mara!" Maarteng panggising ng aking kapatid. Kinuha ko ang pinakamalapit na unan at ginawa iyong pantakip sa aking tenga. Ang tinis na nga ng boses, conyo pa. Bwisit "Ate kasi eh! You are so a killjoy."
I grunted. Seryoso, ang aga pa kaya. It's not like may pupuntahan kami or something.
"Ate, kung hindi ka gigising, papaliguan kita diyan mismo sa kama mo." sabi ni Tiara. Hah. Kilala ko siya, hindi 'yan nagbubuhat ng mabibigat na bagay.
"Get out" naiiritang sabi ko sa kaniya pero dahil sa unan na nakatakip, hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Nagpatuloy lang siya sa pagsigaw. Ugh. Bakit ba ako mayroong kapatid na ang tanging alam lang sa buhay ay mambwisit?
"Seryoso ako, Mara. Kapag ikaw hindi gumising ngayon din..."
"Ano bang meron kasi ngayon at ang aga-aga mong mambulabog? Tignan mo o, Ala-sais pa lang!"
"Tulog pa ba yung utak mo? Pasukan na! Ano, may balak kang magpalate? Grand entrance, gano'n? Pa-VIP ka pa, hindi ka naman maganda. Mag-ayos ka na ng-- ay kahit huwag ka na palang mag-ayos. Magpapapanget ka lang." sunod-sunod na sabi niya. Huh, ano daw? Pasukan? So wha-
Wait. What?
"Paki-ulit nga ng sinabi mo. Anong pasukan? Tignan mo nga yung kalendar- oh." napatigil ako nang makita ko ang calendar sa likod ni Tiara. June 2.
June 2. 2nd of June. Ikalawa ng Hunyo. Unang linggo ng Hunyo. Unang lunes ng Hunyo. "Thank you for enrolling at Royal Academy. See you on June 2!" June 2.
Saka lang nagsink-in sa akin ang lahat. "ANO BA NAMAN TIARA, BAKIT NGAYON MO LANG SINABI! 5:30 na o, kita mo. Malalate na tayo! Katamaran kasi ang pinapairal mo eh!" reklamo ko sa kanya habang nagmamadali kong kinukuha ang mga panligo ko. Ugh. I really hate mornings.
"And that's what she says." ang huli kong narinig sa kaniya.
Tinignan ko ulit ang repleksyon ko sa mirror. Suot ko ngayon ang uniform ko, obviously, white blouse, violet and black checkered skirt na tumigil sa taas ng tuhod and ribbon. Hindi na ako nag-abalang maglagay pa ng make-up. Hindi ko kailangan ng foundation dahil natural na maganda ang kaputian ko, pinkish ang lips ko, chinita at hindi matangkad, hindi rin maliit, 'katamtaman' lang- basta huwag niyo nalang alamin ang height ko. Naturally dark brown ang hair ko pero pinakulay ko iyon ng light brown. Meron akong braces, kahit pantay naman ang ngipin ko at nagsusuot rin ako ng glasses pero walang grado ang lens.
Sinuklay ko ang aking buhak ng isang pasadahan lamang. Hindi ko naman kailangan magpaganda, ang sabi nga ni Tiara. Meron akong reputasyon na mine-maintain sa school, you'll see soon.
Mabilis kong kinuha ang bag kong ballpen lang naman ang laman at mga walang kwentang libro. Ugh. Natagalan ako sa pag-aayos. Umabot ako ng isang oras. Wala na. Grand entrance na talaga ako mamaya.
"Mara Tuscanny, sa wakas! Alam mo bang anong oras na? Naku, ikaw talagang bata ka. You really need to practice self-discipline. Dinadamay mo yung kapatid mo sa pinaggagawa mo!" pagbati sa akin ng maganda kong ina pagkapasok ko sa hapagkainan. Nakita ko si Tiara na pasimpleng tumatawa. "Ikaw nga ang dapat gayahin ng kapatid mo eh. Hay nakung bata ka."
"Good morning to you too, mom. Mukhang masarap po ang luto mo ngayon ha. 'Di ba Tiara, sobrang sarap?" mabilis kong sabi sa kaniya habang inosenteng ngumingiti.
"Hala, bola pa! Nakalimutan mo bang hindi ako ang nagluluto dito, kaya tayo may hinire na chef diba? Mara naman, gumising ka na."
"Mom, baka nagka-amnesia siya sa pagtulog. Lapitin pa naman siya sa mga gano'ng bagay." tinignan ko si Tiara nang masama pero ngumiti lang siya sa inside 'joke'. Hindi siya nakakatuwa. "Baka lang naman."
BINABASA MO ANG
Secrets: Those Nerds
Genç Kız EdebiyatıMara Tuscanny is your normal cliché campus nerd who gets either bullied or ignored all the time. On her last year in High School, she comes face to face with the people who she successfully avoided in her past years in high school. And who knows? Th...