CHAPTER 16: LOST AGAIN

1.3K 41 15
                                    

CHAPTER 16
LOST AGAIN

Chris’ POV

Damn that man! Hindi ko gusto mga sinabi at balak niyang gawin! Agad namang pumasok na si manong sa loob ulit.

Oo, tama kayo, nakita kasi namin ni Von na sinundan ni Pao si Kief kaya sumunod din kami at narinig namin lahat ng pinagsasasabi ni Pao. LOKO din yung taong yun eh, hindi ko masisisi kung magalit man dun si Kiefer.

Kief: Mga paps! Uuuwi na ako!

Chris: O paps? 10:30 palang, maaga pa!

Umakto na lang kami ni Von na wala kaming alam. Sakto naman na kami nalang naiwan ni Von kasi nagsiuwian na rin ang iba.

Von: May nangyari ba? Nakita ko si Pao, lumabas din eh. Nag away ba kayo?

Kief: Masama yang taong yan!!

Von: Bakit anong nangyari?

Kief: P*ta lang. Lumabas siya para sabihin sakin na aagawin niya sakin si Mika. Mukhang determinado pa ang gago!!

Ayun na nga! Masama na ito! Kilala ko si Kiefer, pag nagalit at nainis to, wala ka talagang magagawa, si Mika lang may kaya baguhin ang mood nito kaso si Mika na ang pinag-uusapan dito.

Chris: Paps, easy lang. sa’yo naman si Mika eh.

Kief: HINDI PA!!! HINDI PA KAMI! AT HANGGANG NGAYON NATATAKOT AKO NA MAWALA SIYA BIGLA SA AKIN AT WALA AKONG KARAPATAN PARA MAGHABOL KASI WALA NGA NAMANG KAMI!!

Ouch! Galit na nga si Manong at alam kong takot na to. Halata talaga sakaniya na hindi na siya mapakali. Nako manong, kung alam mo lang talaga …

Kiefer’s POV

Pauwi na ako ngayon. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Mahal na mahal ko si Mika! Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Mawala na lahat, wag lang siya!

Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag naagaw siya sa akin. Paano nga ba kung iniiwasan na nga talaga ako ni Mika? Paano kung maulit yung nangyari sa amin ni Trinca dati? Paano kung sabihin sa akin ni Mika na pinagsawaan na niya ako? Hindi ko talaga kaya!!! Hindi! Iba to! Alam kong hindi pa kami pero mahal na mahal ko talaga siya! Siya lang minahal ko ng sobra sobra!

15 pa man din bukas. Lagi kami nagcecelebrate ni Miks tuwing 3rd at 15th of the month kahit hindi pa talaga kami. I wanted to surprise her sana kaso sa mga nangyayari, hindi ko alam kung ano dapat kong unahin. Nagtitiwala naman ako kay Mika, alam ko hindi niya ako sasaktan pero hindi ko pa rin maiwasan na mapaisip talaga. haaay.

/BAHAY NINA KIEF/

Kadadating ko lang ng bahay, mukhang walang tao, wala na rin akong lakas maghanap kung nasan sila. Dumiretso na lang ako ng kwarto ko.

Agad akong nagshower para malamigan ako ng konti. Pagkatapos, agad kong sinubukang tawagan ulit si Mika pero wala talaga, cannot be reached pa rin. Haaaay. Nahiga na lang ako habang nakatingin sa kawalan. Napapatulala na lang ako.

Narinig kong tumunog yung relo ko, 12mn na pala, it’s 15 na. Sigh.

Thirdy: Kuya??

Nagulat ako nang biglang dumating si Thirdy, di ko namalayan na pumasok siya, ganon na ba talaga kalipad utak ko?

Kief: Not now Thirds.

Thirdy: Sorry talaga kuya pero kailangan mo sumama sakin.

Kief: What is it ba? San ba tayo pupunta? At san ba kayo galing? Madaling araw na eh.

Thirdy: Basta! Dun lang tayo sa may labas!

Wala na ko nagawa at sumama na lang ako!

/SA LABAS NG BAHAY NINA KIEF: MAY OPEN AREA NA DUN KADALASAN GINAGANAP PAG NAGPAPAPARTY SA BAHAY NINA KIEFER/

Ngayon ko lang din napansin na madilim pala buong bahay namin, halos nakapatay ilaw, pati dito sa labas namin patay lahat ng ilaw. Hindi naman siguro kami nagtitipid pero ewan. Bahala na, may problema pa kong iba at wala na kong time para asikasuhin pa ang mga nakapatay na ilaw!

Nandito na nga kami sa may labas. Ano ba tong si Thirdy? Magiinuman ba kami? Well if that’s the case, game na game ako dun para makalimot, maybe yun ang kailangan ko!! Sa isip isip ko, baka nga mag iinuman kami kaya nagpunta na muna akong kitchen para kumuha ng drinks sa may refrigerator.

???: Babe, I LOVE YOU! I’M SORRY

What is she doing here? O.O

~~ Sino kaya nakita ni Manong? At asan na si Mika? Mukhang may something sa Miefer ah. Hmmmm.

~~ Kaway kaway mga Miefs \O/ HAHAHA. Ano na? Di ko alam kung natutuwa pa kayo sa story ko o hindi na eh. Hahaha. So yun, the usual, comment kayo ha. Super gusto ko kapag nagcocomment kayo. :) Sympre pls do vote rin.  Wooooh. Sana makilala ko kayo soon. Natutuwa ako kasi pati pala sa Twitter napapag usapan tong story ko. HAHAHA. Anyway, THANK YOU!

xoxo,

asdfghira

MIEFER: PHENOMENALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon