CHAPTER 5: COMFORT

1.7K 23 0
                                    

CHAPTER 5
COMFORT

Kiefer’s POV

Nakahiga pa rin ako dito sa may park pero ramdam ko na may nakatingin sa akin. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita ko.

Mika: AAAAHHH!

Si Mika, si Mika Reyes ang nakita ko, nagulat siya nang bigla akong mumulat kaya naman napasigaw siya at ganito naging reaksyon naming dalawa -( O.O

Bumilis tibok ng puso ko. Nung nagulat kasi siya, mas napalapit mukha niya sa mukha ko at napatuon siya sa may dibdib ko. Napahawak naman ako sa bewang niya, instincts lang, baka kasi masubsob siya kung saan. Ang awkward tuloy ng posisyon namin dalawa. Agad naman siyang tumayo.

Mika: Hala, ah eh, uhm, ui nako sorry ha. Sorry talaga. Sige. Alis na ako. Ingat ka diyan. *maglalakad na sana siya palayo*

Kief: Teka! Mika!

Napahinto siya bigla at dahan dahang humarap sa akin. Kita ko na namumula siya. Aah. Ang cute niya. Mukha siyang inosenteng anghel.

Mika: Ah, bakit?

Kief: Dito ka muna, pwede?

Mika: O.O

Ayun, ganon lang kabilis at nasabi ko yun sa kaniya.

Mika’s POV

Kief: Dito ka muna, pwede?

WOAH, nagulat ako sa sinabi ni Kiefer. Bakit kaya? At bakit niya alam ang pangalan ko? Nako halata kaya ako na may crush ako sa kaniya dati? Halaaaaa. Ano na isasagot ko, hindi ko alam. Gusto ko pero ayaw ko din. Hala, gabi na at kailangan ko na umuwi. Tama, kailangan ko na umuwi ng dorm. Sige lang Mika, sabihin mo uuwi ka na.

Mika: Uhm, Ok?

WHAAAAAT?? Ano ka ba Mika?! Bakit yun ang nasabi mo? -.- Hindi ko rin alam, pero nung nakita ko siya at napatingin ako sa mata niya, alam kong kailangan niya ng makakausap kaya pumayag na ako. Kawawa naman siya eh.

Kief: Tara, dun tayo!

Mika: Ah sige.

Kiefer’s POV

Pagdating namin dun sa isang tabi, agad kaming naupo at nabalot na ulit ng katahimikan. Medyo awkwaaaaard -.- Kaya nagsalita na ako.

Kief: Uhm, salamat.

Mika: Ha? Para saan ba?

Kief: Salamat kasi pumayag kang samahan mo ako.

Mika: Ah, nakita ko kasi sa mga mata mo na malungkot ka. Teka nga lang, Bakit ka andito sa taft?

Kief: Ah, pahangin lang.

Mika: Okay ka lang ba?

Kief: …. Hindi

Mika: Pwede ko malaman kung bakit? *tanong niya sakin na parang nalungkot din yung tono niya, ramdam kong nag-alala siya sa akin*

Kief: Si Trinca, yung gf ko.

Mika: O ano nangyari?

Kief: Break na kami. Niloko niya ako. Mas mahal pa rin niya yung ex niya kesa sa akin.

Masakit talaga, gusto ko na umiyak. Kanina hindi ko mapalabas yung luha ko kaya ang bigat bigat sa pakiramdam pero ngayon parang gusto ko ng umiyak.

Mika: Sige lang, iiyak mo na yan. Feel ko kanina mo pa pinipigil e at tinatago lahat. Masama yan. Gagaan pakiramdam mo pag umiyak ka.

At yun na nga, umiyak na ako sa harap niya. Grabe. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit kasi.

MIEFER: PHENOMENALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon