NOTE:
Chapter 5 is out guys!:D New character po tayo.:D
Hyun Bi-Hyul on the side/top kung san nyo man makita.:))) AS Ash, ang chickmagnet ng 4A.^___^
ENJOY!:D
KLARA’S POV
KINABUKASAN…
OO! NATAPOS DIN UNG MASALIMUOT NA ARAW KO KAHAPON!
TAKTE!
Pero di ako nagsasabing natatapos na un kahapon, alam kong di titigil ang 4A na yan, lalo na si Chris hangga’t di nya ko napapaalis dito..
Pero sorry sya, iba ako. Di ako takot at wala akong kinatatakutan. Bahala sya sa buhay nya! Ubusin nya man pera nya hinding hindi nya ko mapapaalis dito..
Ugh! Bat may nabubuhay na nilalang na gaya nila?! Nakakainis! >__________<
"sis! Kamusta ka na?!" salubong ni Shara sa akin
"buhay pa at patuloy pang humihinga. Ikaw? Nak ka ng tokwa! Bat wala ka kahapon?! Kailangan pa man din kita kahapon!" sabi ko
"kalma friend! Pwede?! E kasi naman! Nagready ako kahapon. Whole day akong nagpaganda!"
"at bakit naman?!"
"e kasi!!! Inaya ako ni Ash my loves! Inaya nya kong magdinner!!"
-_____________-
"at anong kapalit nun?! Mamaya dinate ka nun para lang anuhin ka." sabi ko
"ha? Anong anuhin?" tanong nya
"ano! Alam mo na. Galawin!" sabi ko
"sis! Gustuhin ko man pero mukhang di sya interisado sa katawan ko! Anong ipagmamalaki ko?! Flat chested ako! Maputi lang ako e!"
Abay.. Tarantada. -________-
"e kung batukan kita?!" sabi ko naman
"o! Peace! Joke lang! To naman. Masaya lang ako friend! Sa tagal tagal kong pinantasya si Ash malamang mababaw na ung kaligayahan kong idate nya ko. Wala namang nangyaring cheverlu. Kumain lang kami at nagbar. Ganun." sabi nya
"umayos ka Shara a! Isusumbong kita kela tito! Umuuna landi ka."
"Kla, malamang! College na tayo! Di na uso ung aral lang. Mas ok ung may inspiration."
"distraction yan!"
"di kaya! Masyado to. Palibhasa kasi di ka pa naiinlove! Yan tuloy. Loveless at sexless."
"SHAAAARAAAAA!"
"HAHAHAHAHA! Joke lang! Mainlove ka na kasi! Di naman masama. Mukhang di naman aayaw sila tita kung magdadala ka ng manliligaw sa bahay nyo."
"ayaw ko. Isa pa di naman un ang priority ko. Sakit sa ulo yan. Ngayon pa nga lang na pumasok sa buhay ko yang 4A na yan sobrang wasak na ko ano pa pag dinagdagan ko ng love ang life ko?!"