He is Coming

1.4K 66 42
                                    

HE IS COMING
BY: GHIEbeloved

"Buti girl at pinayagan ka ni Mother Earth mo?" siko sa akin ni Maureen habang hirap na hirap kong iniaakyat sa likuran ng sasakyan ang maletang dala ko.

"Hindi ko alam, nakakapagtakha nga 'eh. The last time we talked about our outing kasi, hindi talaga siya pumayag. But I think Santa clause changed her mind. Siya pa nga ang nag-impake sa gamit ko,  kaya napakalaki at bigat ng maletang dala ko."

Oh my god.  Hindi ko talaga kayang buhatin pa ito.

Sa isang iglap ay tila natigil ang mundo ko nang isang hindi inaasahang tao ang tumulong sa akin.  Amoy na amoy ko ang napakapreskong pabango nito na kinaadikan ko.

"Tulungan na kita. "

"S-salamat. " Nahihiya kong tango kay Duke. Pero agad nang umeksena si Cha at halos dunggulin ako, malingkisan lang ang boyfriend niya.

"Baby,  I'm tired na let's go na sa Vacation house namin. "

At walang patumpik-tumpik ay sinunod agad iyon ni Duke.  Agad naman akong siniko ng katabi kong si Maureen dahil nahalata ata nito ang panlilisik ko ng mata kay Charlene.

"Hayaan mo na girl.  Alam mo naman iyang masyadong territorial.  Sana inihian niya na lang 'di ba?  Nang malaman nating sa kanya? "

"Luka. " Binaliwala ko na lang iyon at sumakay na sa Van na imamaneho ni Duke.  Kakarating lang rin ni Irish at kagaya ko'y tinulungan din ito ni Duke sa kanyang mga dalahin.

So matulungin lang talaga.

Nagsimula na ang byahe patungong Baguio.  Ilang oras kong narinig ang paglalampungan ng dalawa sa front seats kaya nagheadset na lamang ako at nagpanggap na tulog.

Bago magpasko'y napagdesisyunan na naming magkakabarkada ang i-celebrate ito ng sama-sama. Laking trayidor nga lang nitong si Cha dahil isinama niya ang kanyang nobyo.  Bagay na ikinaiilang ko,  dahil si Duke ay matagal ko nang gusto.  Wala naman sa akin kung naging sila ni Cha.  Pero sadyang naiirita ako at nasasaktan kahit na papaano kada makikita silang naglalampungan.

Gabi na nang maraanan ng sasakyan ang tarlac.  Tulog na ang lahat maliban sa akin at kay Duke. Ikinamamangha ko ang pagka-focus nito sa kanyang ginagawa.  Ngunit nang nagkasalubong kamibng tingin sa salamin sa harapan nito'y ikinakilabot ko ng sobra. Nanlisik ang mga mata nito sa akin. Iyong tila handa akong patayin. Dahil sa takot ay mangilang beses akong napakurap.  Bagay na ipinagpasalamat ko dahil guni-guni ko lang pala ang lahat.

Nang makarating na sa Baguio ay ikinamamangha ko ang dinaraan naming bangin at kakatwang mga puno.  Pupungas-pungas ang lahat dahil sa kakagising lang ng mga ito.  Ngunit ako'y naduduling na dahil sa antok.

Malaki ang bahay bakasyunan nila Cha.  Nakapunta na kami rito noong kami'y mga bata kaya hindi ito bago sa paningin ko. Nauna na ang lahat na magsipasok.  Ngunit bago ko pa man isarado ang tarangkahan ay tila napatulala ako sa matandang puno sa harap ng bahay.

Napakalaki ng mga sanga nito.  Ngunit laking kilabot ko nang isang nakapulang nilalang ang nakabitin dito. But no... it's Santa. Bagay na ilang beses ko muling ikinakuraphanggang sa maglaho na muli ito na parang bula. 

"My god,  Sam.  Itulog mo na iyan." Iilling-iling kong tanggi sa kung anong nakita ko.

Agad na akong nagpahinga at hinayaan na lang silang maglaro sa Xbox nila.  Ayoko,  dahil bukod sa pagod ako sa byahe'y wala rin ako sa mood makita si Duke at Cha sa matamis nilang estado.

I take a nap,  but ended up dreaming something bad.  Panaginip na hindi ko inaasahang makapagpapabago sa lahat.

I was playing my favorite toy given by my late father.  It was my Mr. Santa.  Isang laruang matagal ng itinapon nang magsimula na akong mag-aral sa kolehiyo. Pinaglalaruan ko ito. Masayang inaalala ang bawat sandali ng kabataan ko. Hanggang sa isang pares ng paa sa harap ko ang nakapagpatigil sa akin. He is wearing an old black boots,  gaya ng kay Santa. Inaasahan ko na talagang siya ito ngunit ang makita siya'y sana ay hindi ko na lang hiniling pa.

He is comingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon