"STORY 1" scene no. 1 serial killer

36 2 1
                                    

"Thank you for purchasing ma'am in 12/31 please come again" cheerful na paalam niya sa last na costumer. Oo, last na costumer sa last minute shift ni Pauline.

"Sa wakas makakauwi narin ako!" Wika ni Pauline habang siya ay nag-uunat.

"Pauline! Wait may sasabihin pala ako." Wika ni Kaye, kasama niya ito sa kanyang trabaho.

"Ano yon?" Tanong ni Pauline habang inaayos ang gamit niya upang makauwi na siya.

"Alam mo ba ang trending news na kumakalat ngayon?" Tanong ni Kaye habang inaayos niya ang sarili.

"Hindi, ano ba yun?"

"Kasi Pau, sa likod ng store na ito meron daw silang naririnig ng kaluskus, nakakatakot. Lalo na pagsapit ng 5'oclock pm hanggang 10'oclock ng gabi" sagot ni Kaye.

"Eh? Umm baka guni-guni lang nila yon?" Kinakabahang sabi ni Pauline.

Pano ba naman hindi kabahan, sa mga oras na yon ganoon naguumpisa ang shift ng trabaho niya.

"Ah! Pauline! Meron pa, kaninang umaga, may nakita silang bangkay. Paalon alon daw ito sa ilog sa tabi ng shop natin. Mag-iingat ka Pau, lalo na college student ka palang."

Pahabol na banta ni Kaye kay Pauline. Hindi tuloy mapakali ang dalaga sa kanyang nalaman, kasi sa mga oras na ito,dito nagtatapos ang shift niya.

"Sige Kaye mauna na ako."

"Mag-iingat ka!"

Ipinihit na ni Pauline ang door knob at lumabas ng tuluyan. Dumapo sa kanyang balat ang napakalamig ng simoy ng hangin, gininaw ng kaonti ang dalaga. Kasi sa buwan na ito mararamdaman mo na ang lamig ng gabi. "Malapit na kasi ang pasko, kaya lumalamig na." Bulong ng dalaga sa sarili niya.

Hindi pa nakakalayo ang dalaga at may narinig siyang kaluskos.

*sheeseseses*

"Hu-h? S-sino yan?" Mabilis tanong ni Pauline, walang kumibo. Hindi tuloy alam ng dalaga ang kanyang gagawin. Kasi natatakot siyang gumalaw at baka saktan pa siya.

"O-okay, guni-guni ko lang siguro yun, Pauline wag kang paranoi-"

*shesesesesee*

May narinig ulit ng kaluskos ang dalaga, na may halong mabibigat na hakbang na papunta sa kinaroroonan niya, nanlamig ang buong pangangatawan nito at di na makagalaw.

Palapit ng palapit ang mga yabag sakanya, at nag-iisip kung ano ang gagawin nya 'Pauline think!! Mamatay ka kapag di ka nagisip ng paraan!!'

Nagkapa ng matigas na bagay si Pauline sa kanyang bulsa. Pero hindi ito matigas tulad na inaasahan niya, ngunit alam niya na magiging useful ito sa nangyayari ngayon. Isa itong ballpen.

Biglang tumigil ang mga yabag nito. At alam ni Pauline na nasa likuran nya ang tao, 'okay pauline after counting 1-3 face that creature and stab it without hesitation!' Utos ng dalaga sa sarili.

Biglang may lumapat na malamig na kamay sa kanyang braso. Akmang sasaksakin niya na sana ngunit bigla itong nagsalita.

"WAIIIT! EASY GIRL AKO TO!" sigaw ni Kaye sa dalaga na ready ng pumatay ng tao. Nanlamig si Kaye sa postura ni Pauline kasi konting galaw lang masasaksak siya sa ballpen na hawak nito.

Bumalik sa ulirat si Pauline ng makita niya kung sino ang humawak sakanya. "Uy tinatakot mo ba ako?!" Mangiyak-iyak tanong ni Pauline kay Kaye.

"Hala hindi no! Gusto ko lang naman ibigay ito." Kabadong sagot ni Kaye kay Pauline. "Ano yan?" Sabay turo sa plastic na inabot ni Kaye. "Ewan? Pinapabigay ng manager, regalo daw sayo sabi niya."

"WHAT IF'S"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon