3pm. Sumakay ako ng tricycle dala ang bulaklak na ididisplay ko at kandila na iilawan ko sa bahay ng Lolo at Lola ko sa sementeryo. Undas na kasi.
Pagkababa at pagkabayad ko sa tricycle, tahimik akong nagpunta sa pwesto ng bahay nila. Tahimik na binuksan ang lock ng lolo at lola ko.. Tahimik na naglagay ng bulaklak at nag-ilaw ng kandila..
Dinasalan ko sila ng ilang importanteng prayers. Pagkadasal ko, nagstart na kong kwentuhan sila ng mga nangyayari sa buhay ko.
"Hi po Lolo at Lola..
It's been 1 year nung dinalaw ko po ulit kayo. Malinis parin po yung bahay niyo. Walang wala po samin na puro kalat.
Hindi ko parin po makalimutan na ginawa ko pong dalaw-kain nung nandito po kami. Hahahaha.
Alam ko po na nadidinig niyo po ako ngayon, alam ko po na ngayon, nandyan po kayo para makinig po saakin.
Lolo, lola.. una po sa lahat.. Nag-aaral po ako ng mabuti, hindi lang po halata.. Nagawa ko na din pong hindi pumapasok minsan sa mga subject, pero once or twice ko lang po nagawa. Madalas din po akong nagiging late sa klase. At hindi po ako mahilig magmemorya. Pero susubukan ko pong ibahin lahat yun.. Pero wag po kayong mag-alala, safe naman po ako kahit papano sa lugar ko po dun. At masaya po sa pinapasukan kong university at mahal ko po yung course ko po.
Yung mga kapatid ko po ok naman.. Pero po yung bahay natin, hindi po okay. May nangyayari pong hindi maganda. Siguro po nalalaman niyo na yun kasi po alam ko po, nararamdaman ko po, nasa bahay po kayo, tinitignan po ang bawat kilos namin. Sana po kung ano man po yung nakikita niyo, maiba niyo po, mapakiusapan nyo na po sana, kahit pumasok po kayo sa panaginip niya. Ganun pala po siya, hindi po namin inaasahan. Akala ko po talaga nung una, ang bait bait niya, pero hindi po pala. Pero po yung mga mahahalaga po sakin, ayos naman po sila.
Usapang kaibigan ko po? Totoo po sila sakin, may iba pong hindi ko pa po masyadong kilala at may kanya-kanyang agenda, pero alam ko po, nandyan po sila sakin lagi lalo na po kapag kailangan at kakailanganin po nila ako.
Usapang lovelife po? Wait po.. Bago po iyan may sasabihin po ulit ako,
Iba po yung pangalan na nasabi ko po sainyo. Actually po yung sinabi ko po sainyong pangalan, akala ko po talaga siya na. Pero hindi po pala. Siya po pala yung magiging worst heartbreak at kinamumunghian ko pong lalaki sa lahat. Kasi nandito na po ako para sakanya, naghanap pa po siya ng iba, at siya rin po yung taong iniyakan ko ng sobra. Diba po ayaw nyo po akong nakikitang malungkot kasi gusto nyo po na lagi nyo po akong nakikitang masaya kahit saan? so yun po.
Ito po talaga yung totoo.
Nakilala ko po siya nung inadd niya ako sa Facebook, nagtanong po siya about sa matters sa university. Yun po, parehas po sana kami ng papasukang university, it means, nagkita naman po kami, April 19, 2013 po :) kasama ko po sana siya ngayon pero po, hindi po siya umabot sa quaified high school GWA. kaya po sa iba siya nakapasok. Alam nyo po ba, isang taon na din po kaming hindi nagkikita.. Pero sa kabila po nun, mahal ko parin po siya kahit ginulo at pinaiyak po ako nung lalaking kinamumunghian ko..
Narealize ko po na sana hindi ko siya hinayaang manggulo sa nararamdaman ko, dapat kay Mr. Candy Wrapper ko nalang tinuon yung pagmamahal ko. Opo Candy Wrapper, ganto po kasi yun.. Nun pong nagbabayad po kami ng tricycle nun, parehas pong buo yung pera namin, pero may 50 pesos po pala ako dun, so pinabarya niya at bumili siya ng dalawang Lipps Tamarind. Tig-isa kami at yun yung binayad namin sa tricycle, ang cute nga po ng mga dala niyang pulbos atpagkain at tubig eh, ang laki.. tapos po mahilig siyang magpabango..
Medyo naiinis nga lang po ako kasi marami siyang babaeng iniinteract, mas kumikire pa po siya kesa sa akin. HAHAHA Joke lang po. Kasi hindi ko po mawari kung ano po ba talaga siya eh. Tapos mahilig pa pong mang-gala, hindi man lang po ako naalalang ayain. Masakit po. Hahaha.
Pero kahit na ganun po, taglay parin po niya ang pinapangarap niyong lalaki para saakin.. Gwapo, may angas at higit sa lahat, malapit sa pamilya niya at sa Panginoon :) Sana po siya na talaga.
Namimiss ko na po kayo. Ingat po palagi diyan ha.
Wag po kayong mag-alala, hindi ko po pababayaan ang sarili ko po at higit sa lahat, hindi ko po hahayaang may mangyari sa pamilya natin..
At hindi ko rin po pakakawalan ang taong mahal ko, dahil baka pagsisihan ko pa po sa huli.
Labyu po. Hart Hart :)
- Cutie na apo."
Pagkakwento ko sa kanila, agad bumuhos ang luha ko. Unexpected tears kumbaga. Pagkakalma ko, tumingin ako sa wrist watch ko.. 6pm na pala. Napahaba yung kwento ko sakanila, kaya nag-ayos na ako ng gamit, pinatong sa tabi ng mga bulaklak yung mga kandilang may baso ai iniwan sa baba yung mga walang baso, kasi mamaya may kukuha na nun.. Chineck ko lahat kung may naiwan pa ba ako o wala na. Nung okay na, nilock ko na ulit yung gate at tahimik na umalis sa bahay nila at umuwi na sa bahay namin..