CHAPTER 6
Dinala nila ako sa isang black Lamborgini,
Pagtingin ko, may tatlo sa loob . Plus itong dalawang humila at nagkaladkad saakin. So lima
" sakit nun ah," sabay hilot ko sa kamay ko.
waaah pano ako hihingi ng tulong eh wala akong load,
Sigaw?
Ayoko nga, kasi napapanood ko sa mga palabas , pagsumigaw yung kinidnap papatayin nila.
ayoko pang mamatay. I love my life
Tahimik lang sa loob,ang awkward ah, maputol nga ang silence.
"psst kuya pwede magtanong?"
Tumingin naman sila saakin.
" kidnap ba ito?, kung kidnap nga bakit ako? papatayin nyo po ba ako, tas ibebenta yung lamang loob ko? wag naman, di magugustuhan ng bibili sainyo , kasi marami akong parasite.... siguro naman hindi nyo kailangan ng pera kasi kayo lang ang nakita kong mga kidnaper na black Lamborgini ang gamit pramis"
Sabi ko,
napapanood ko kasi na tricycle lang ang gamit ng iba, pangkidnap , minsan naman sirang kotse.
Meron bang mamahalin na kotse?
Weh? Yun ung napapanood ko eh malay ko ba.
" oh shacks, o baka naman , nag sleepwalk nanaman ako tapos, pumunta ako sa isa sa mga bahay nyo tapos may nabasag ako o kaya dun ako nakatulog, waaah sorry talaga. "
Tama kayo ng basa, nagssleepwalk talaga ako minsan, minsan nga nakikita nalang ako nila mi na sa kalsada natutulog, waah kahiya man uy!
Nakatingin parin sila saakin, seryoso? Hala baka di nila naiintindihan sinabi ko. Baka naman di sila nakakapagsalita.
Magsign language na nga lang ako baka sakaling maintindihan nila.
Buti nalang talaga marunong ako
" ah ( sabay galaw galaw ko ng kamay ko at nag sasign language) oh, ah , eh , ih, oh, uh, hindi parin?"
Ganon parin nakatingin lang sila,
Pero parang natatawa sila na ewan.
baka naman French sila. Matestingan nga, unti lang pa naman alam kong french.
"bonjour, pourquio? Combien? Jeveux, hindi parin'?"
Waahhh wala talaga, wala parin silang imik, ano bang klaseng kidnaper sila, Korean,? chinese? Taiwanese??
Baka korean, kasi singkit konti sila eh. last na toh, pag wala parin, naku naku naku naku.
" annyoenghaseyo chonun Poly imnida, wae'?? Nae?? Argh APAYO!"
omg, nasabi ko ba pangalan ko, huhuhu.
Bakit ba ayaw nila magrespond.
Inis na ako ah.
" ano bang language nyo ha? alien talk ba naiintindihan nyo, sorry naman di ako marunong magalien talk, eh haist kaimbyerna" sigaw ko sakanila,
Napatakip naman sila ng tenga.
" can you please SHUT UP YOUR BIG MOUTH!!"
O_O Wah nakakatakot sya.
" eh pano ba naman kasi di kayo sumasagot, aba malay ko ba na english lang pala language nyo, kaistress" sigaw ko ulit.