CHAPTER 7
Di ko naman intensyon na magalit sya ah..
Tama nga kaya sya na ako talagang may kasalanan?
Dapat ba talagang iexplain ko yung ginawa kong kalokohan dun sa ex nya?
Ayoko parin..hmmp
Ah bahala na, baka mamaya masabihan pa akong slut at malandi nung ex nya. Wahh ayoko nun.
Inexplain narin saakin ni patrick at yuri kung bakit gusto ni L ,
yah L Nicolo Henares pangalan nya, sabi nila eh.. Ok balik tayo kaya gustong gusto nya kasi mahal nya talaga yung girl biruin mo 3 years na sila, at marami silang pinagsamahan tapos ako lang yung dahilan kung bakit sila nagbreak. Ganda ko talaga .Huhuhuhu
"ok lang yan poly, wag ka ng manginig" patrick , oh'? panu nya nalaman?
Sabagay halata naman, huminahon narin ako ng pumasok yung tatlo.
Tug,tug,tug. Waah kinakabahan na naman ako
ang awkward naman..
"s-sige na nga payag na ako, p-pero ano namang kapalit kapag ginawa ko yun?"
Pagsabi ko nun tumingin sya saakin
"kapalit?" nagtatakang tanong nya,
Bumalik na rin ako sa dati, di na ako na nginginig.
"oo, hoy dong , sa panahon ngayon wala ng libre libre, syempre kung gagawin ko yun at maniwala na sya, magkakabalikan kayo, edi ang daya kasi ikaw lang ang may benefit, dapat ako rin, so ano na?"
Sabi ko ng parang wala lang nagyari kanina.
"ok, kung ganun nga ang mangyari na magkabalikan kami, makukuha mo ang dslr mo" nakangiting sabi nya, at nag grin pa
O_O
Waaaaaaahhhh D-DSLR KO-KO?
Pano nya nakuha yun?
"pano mo yan nakuha ha??? Waah ang daya daya naman,"
"makukuha mo lang yun kung magsusuceed tayo."
"pano kung hindi?" nagaalalang tanong ko
"edi akin na yung dslr mo"naka smirk na sabi nya
"what? Ang yaman yaman mo , bakit di ka nalang magbili ha.."
Inis na sabi ko
"ayoko eh, pero may isa ka pa namang paraan para makuha yun eh, kung SAKALING alam mo na"
