NASAAN KA NA?

15 1 0
                                    

Nasaan ka na? babalik ka pa ba?
sabihin mo naman saken, para di na ako umasa
ilang araw, buwan at taon pero hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako
naghihintay pa rin sayo't tuparin ang mga pangako mo.

mahal, alam kong hindi na ako, alam kong malabo nang bumalik sa akin ang puso mo
malabo ng mabalik ang dating tayo
malabo nang may matawag na ikaw at ako

pero hindi bat bumalik ka naman sa akin?
Oo tanda ko pa nung mga araw na sinabi mong " mahal tara ayusin natin"
ang relasyong minsan mong binitawan
kase nga nung makakita ka ng maganda ay bigla mo nalang niligawan.

Hindi ko alam pero hindi bat pumayag ako?
pumayag akong magpakatanga uli sayo
ang sabi mo " pangako ikaw lang mahal sa puso ko "
pero bakit ngayon asan ka? bat bigla ka nalang naglaho

Nasaan ka na? teka? bat kita hinahanap eh matagal na din naman kitang nakita
nandon ka sa bagong babaeng sayoy nagpapaligaya 
pag aari ka na ng iba at malabo ng bumalik ka
para nga lang akong tangang
lumalangoy hindi sa tubig kundi sa lupa.
naghahanap ng isdang malabo ko namang makita

hindi ko nga alam kung bakit ilang beses akong nagpakatanga sayo
akala ko kase may tyansa ka pang magbago
yung tipong marerealise mo ang halaga ko
yung tipong babalik ka at hindi ka na uli magloloko
yung tipong bubuo uli tayo ng mga ala alang ang tauhan ay ikaw lamang at ako.

Spoken Poetry for all the Broken HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon