ang hirap isipin. ang hirap tanggapin
ang hirap tiisin ang sakit di maatim
para akong sinaksak patalikod, halos mamatay sa kakaluhod
sa harap ng altar para manalangin
na sana balang araw bumalik ka uli sakin.Baby honey sweety my love, ilan lang lamang yan sa mga tawagan nyo ng babae mo.
oh diba ang sweet? samantalang ako pangalan ko lang ang tawag mo.
hindi naman sa naiingit ako, ang akin lang naman bat sa kanila ang sweet mo?
nakalimutan mo na bang bago mo palang sila nakilala
nasa puso mo na ako?
kasama mo na ako, kilala mo na ako at higit sa lahat Minsan mo akong sinabihan ng " mahal kiTa"
minsan mokong pinangakuan ng "pramis ikaw lang walang iba"
minsan mo kong sinabing " gusto kitang pakasalan"
minsan mokong inayang ipakilala sa iyong mga magulang.
pero bakit ng tumagal, yung minsan bigla mo nalang kinalimutan?
asan na yung mga salitang minsan ko ring pinanghawakan?
nasan yung pangako mong hindi moko iiwan?iba ka rin, pagkatapos mokong pagsawaan lilipat ka na nman sa panibagong ulam
palibhasa mas masarap sila kesa saken
mas maganda, sexy pumorma at mayrong sosyal na mga barkada
kaya ayun ikaw hindi nagdalawang isip na ligawan sila.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry for all the Broken Hearted
Puisiare u broken? are u tired of being noob in love? do u really get hurt? well let me give u another reason to cry hihi joke ^^ this is just base on my narrow imagination and im sure that many of girls are going relate on this spoken poetry <> so le...