Chapter 4

7 1 0
                                    

Bloddy Asylum
Chapter 4

"Artemis" rinig kong tawag ng isang babae

"Artemis," pag ulit nito, napadilat ako upang makita na naman ang babae sa nakaraan kong panaginip. Nakangiti pa rin ito, ngunit may halong kalungkutan.

'Ano man ang mangyari o makita mo, tandaan mong pagsubok lang ito '
Rinig kong saad niya, bago siya naging parang mga alikabok at hinipan ng hangin

"Artemis!" sigaw ng isa sa aking mga kaibigan, na agad kong ikinatayo sa pagkakahiga at huminga ng mabilis na para bang hinahabol ako

Napatingin ako sa lalakeng nasa gilid ko, "ano nangyari? Si Sycthe! Nasan siya? Sycthe!" pagmamadali kong saad at bababa na sana ng higaan ng bigla ako nitong hinawakan ng mahigpit sa braso, "ano ba? Kailangan kong makita si Sycthe kung ligtas siya!" pasigaw kong dugtong, bago naramdaman ang kirot na nanggagaling sa sentido ko, ngunit mas nangibabaw ang pag aalala ko.

Hinigpitan niya lang lalo ang pagkakawak sa akin. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya dahil nakayuko lang ito.

"ano ba-"

"HINDI MO BA ALAM NA NAG AALALA KAMI SA IYO?!" Sigaw nito sa akin bago iniangat ang kaniyang ulo. Sa tanang buhay ko  si Zero ay ngayon ko lang nakitang umiyak. Hindi ako naka galaw sa gulat habang siya ay nakatingin lang ng masama sa akin, "wala kang pakielam sa buhay mo, lagi na lang ba iba yung inuuna mo?! Simula pa last year si Sycthe na lang lagi, anak mo ba siya ah?!" dugtong nito bago yumuko

Hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa sinabi niya, oo nga naman. Bat ba lagi na lang si Sycthe at ang iba? Sinusubukan ko naman na magbago na, pero bakita ang sakit niya magsalita??

" kung ano man 'yang  ikina iinisan mo sa akin I'm sorry, okay?" tanging nasagot ko na lang, dahil napaka speechless ko na sa sinabi niya

Iniangat niya ang ulo niya, ngunit 'di ko makita ang mga mata niya dahil natatakpan ito ng  kaniyang buhok. Nabigla ako ng biglaan siyang tumayo," forget about it. I dont need your damn sorry if you are going to risk it to someone else in the end." pag iinarte nito bago lumabas ng kwarto kasama ang kutsilyo niya.

What the fvck just happen?

Napatingin ako sa paligid. Ito parin yung pinanggalingan namin ni Sycthe minus yung bangkay plus may dugo sa pader which i guess galing sa akin.

Napahawak ako sa ulo ko, at napapikit ng dahil sa kirot na dinulot nito. Bigla kong naalala yung babae na pumupunta lagi sa panaginip ko, who is she? At bakit niya yon sinasabi sakin?

Napatingin ako sa pintuan ng narinig ko itong bumukas, pumasok si Fender.

"hey" nakangiti niyang panimula

Napangiti ako sa kaniya dahil kahit sa situwasyon naming ito ay nakakangiti parin siya,"hey" pagbati ko pabalik

Umupo ito sa may paanan ko at tumingin sa akin sabay nguso sa ulo kong naka gauze ngayon,"still hurts?" patawang tanong nito ng nakita akong ngumuso

"gusto mo iuntog kita sa pader para maramdaman mo?" paghahamon ko, na agad niyang ikinatawa. God, thank you for giving me this kind of friend.

Pagkatapos non ay binalot kami ng katahimikan, bago niya ito sinira, "So, we found foods... Do you want a peanut butter sandwich o jam sandwich?" tanong nito na ikinakinang ng mata ko, "Peanut!" excited kong saad na agad niyang ikinahalakhak ng mahina, "I'll get it. Hintayin mo na lang ako" na agad kong ikinatango

Paglabas niya ay sunod na pumasok si Wraith at nagkamustahan lang kami bago siya umalis para maghanap uli ng maaari naming gamitin sa mga buwan na dirito kami. Huling pumasok ay si Sycthe, hindi kami nag usap ngunit nag iyakan lamang sa muntik na naming kamatayan. Saktong dating ni Fender bitbit ang pagkain ko, kaya kumain na lang kami since we both love Peanut Sandwich.

"So what happened habang natutulog ako?" tanong ko pagkatapos ngumuya, at tumingin kay Fender na nakilantak na rin sa pagkain ko,napakibit balikat pang ito, "nothing much. Naghanap lang kami ng mga magagamit natin like foods, blankets, and tools na pwede nating gawing sandata. We didn't encounter anything after you fell unconscious. " pagpapaliwanag nito sa akin na agad kong ikinapagtaka

"walang  mga bangkay?" tanong ko na ikina iling niya, "we already stab all the corpse we found, but those things didn't attack us even once"
 

Strange

Magsasalita pa sana ako ng pumasok ang hinihingal na si Wraith.

"Wraith, bakit?" tanong ni Sycthe

Napahinga ng malalim sa Wraith, bago nagsalita na agad ikinatigil ng pagtibok ng puso ko sa sandaling iyon,

"Si Zero... Intake ng mga halimaw na 'yon"

🅱️

Agad napakaripas ng takbo ang magkakaibigan palabas ng kwarto at sinundan si Wraith na nagmamadaling tumakbo sa kaliwang direksyon.

Nang dumating sila sa pinangyarihan, ay tumambad sa kanilang paningin ang isang lalake na nakatayo sa gitna ng mga bangkay. Nakatalikod ito, at duguan ang damit, kahit hindi ito humarap ay alam nilang si Zero ito.

"Zero" pagwasak ni Sycthe sa katahimikan, bago napasinghap sa mukhang tumambad sa kaniya.

Duguan, may mga pasa at may black eye na para bang nakipag suntukan siya sa mga iyon, ngunit hindi ito ang nangibabaw sa lahat kundi... Ang hiwa sa kaliwang pisngi nito na aabot sa kanan na bahagi ng kaniyang ilong.

Nakatingin lang sa kanila ito, bago umalis sa gitna ng mga bangkay at lumapit sa kanila. Napatigil lang ito ng nakita niyang nagtago si Sycthe sa likuran ni Wraith,

"natatakot kaba sa akin?" Nagtatakang tanong ni Zero sabay tagilid ng ulo niya na naging dahilan para kilabutan si Sycthe sa takot, ngunit napalaki ang mata nito ng bahagya ng hilahin siya ni Artemis palayo sa kanilang mga kaibigan.

"hoy" pagtawag ni Zero kay Artemis ngunit hindi manlang ito kumibo,kaya hinayaan niya na lang itong hatakin siya.

Dumating na sila sa kwarto na pinang galingan nila ni Sycthe, at itinulak si Zero sa higaan, "upo. Wag kang aalis dyan kundi susuntukin kita" pagbabanta nito bago pumunta sa gilid at may kinuha, habang si Zero ay sinusundan lang siya ng tingin.

Pagbalik nito ay may dala dala ng betadine, bulak, twizzer, band aid. Sinimulan niyang gamutin ang mga sugat ni Zero, "Sorry wala akong makitang yelo saka ng ice pack. Hindi natin magagamot yan" pagtutukoy nito sa black eye niya,habang nakatingin lang si Zero sa kaniya.

"kukuha lang ako ng maligamgam na tubig saka tela. Kailangan natin lagyan ng warm compress yan kahit yun manlang. Wait" pagtayo nito at tutungo na sana palabas ng hinatak siya ni Zero pabalik upang bumagsak siya sa dibdib nito, "can we stay like this for 5 mins?" tanong nito na agad ikinamula ni Artemis bago tumango

"make it 10 mins"

"hoy"

"15 mins"

"aba"

"20 mins, final na yan period"

Abusado pagrereklamo ni Artemis bago napangiti

~~~~~

Tapos na ho~. Sa mga susunod na mga chapter ay ako muna ang magsusulat, dahil tinatapos pa ni HumbleBlack ang libro niya. Dahil tamad akong mag update ng drafts sa sarili kong libro, pumayag na ako hehehe

sammy_luckie13 at your service!

Bloody AsylumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon