Yuna's POV
Hays! Ang boring pa rin! Wala akong magawa.
Ano kaya ang nangyayari kay unnie at parang nagmamadali? May lakad kaya sya? Sana all.
Ang boring dito. Sino kaya ang kasama nya?
Kung ano-ano na ang ginagawa ko sa kama ko ng may kumatok sa pinto. And I guess it's unnie.
Binuksan ko ang pinto at sakto rin tumunog ang doorbell.
"Bumaba ka na muna, pupuntahan ko lang yung nasa labas!" Saad ni unnie.
"Okay."Dumiretso na ako pababa at naupo sa sofa namin sa sala.
Ng mapansin kong pumasok na sina unnie, nilingon ko siya upang makita kung sino ang kasama niya.
O_O!
Ngumiti sa akin si Nayeon unnie, kapatid ni Jungkook. Anong ginagawa niya rito?
"Aalis muna kami, ikaw muna ang bahala sa bahay."
F A S T F O R W A R D
Hindi ko na pansin yung oras, mag-aalas tres na pala ng hapon. Kung anong ginawa ko buong maghapon? Nagbasa, kumain at nag online. Ang saya lang ng buhay ko.
*kringg!
<PHONE CALL>
"Hello, Mark?"
"Hello, Yuna!"
"Bakit?"
"May lakad ka bukas?"
"Huh?"
"Wala bang signal jan sa inyo at hindi mo ako naririnig?"
"Edi wow mo."
"May lakad ka nga bukas?"
"Bakit?"
"Punta ka rito sa amin!"
"Kailan?"
"Bukas nga! Ba't hindi ka nakikinig?!"
"Bakit?"
"Invited ka raw!"
"Galit kang invited ako?"
"Ays! Basta pumunta ka na lang bukas dito!"
"Wag kang sumigaw. Anong meron bukas?"
"Birthday ni Chae, punta ka. Bye."
"Bye."<END OF PHONE CALL>
Oo nga pala! Buti tumawag si Mark, birthday pala bukas ni Chaeyoung! At mabuti maaga pa! Bibili muna ako ng gift.
<AT THE MALL>
Naglalakad na ako papuntang,,, Girl's Day?
Hindi ko alam kung saan ako bibili at mas lalong hindi ko alam kung anong regalong bibilhin ko.
Nakarating na ako ng Girl's Day at… sobrang girly ng shop. May mabibili ba ako ritong regalo na maaari kong ibigay kay Chaeyoung? Pink lahat ah. As in, LAHAT. Mga gamit at damit!
Lalabas na sana ako dahil baka wala akong magustuhan na gift para kay Chaeyoung ng may nakita ako kaya bumalik ako ulit sa loob ng shop. Si Jungkook.
Tumingin-tingin na lang muna ako ng mapadpad ako sa pinakadulong parte ng shop.
"Bakit?" Oh?
Napahinto ako dahil sa narinig ko.
"Ito naman parang hindi ako na miss!"
Hindi naman ako chismosa pero curious ako kung sino ang nag-uusap kaya naman, sumilip ako! Hehe.
Sino kay---
O_O!!!
"Hindi naman talaga." S-si Jungkook.
Hinila nung babae si Jungkook pero bago ko pa makita ang gagawin nung babae, umalis na ako. Yan ang napapala ng mga pinapa-iral ang kuryusidad.
━━━━━━━━━━ × ━━━━━━━━━━
-YU_KOOK