Chapter 3: Rain Savior.

24 1 0
                                    

~

Kathryn’s POV

Sa buong klase, nakinig lang ako kay Sir Jonathan, magaling sya magturo. Maiintindihan mo agad kaya nagegets ko yung mga sinasabi nya samin. Tumingin sya sa orasan nya. “Class, you may now go. Goodbye!” Pagkasabi nya nun, nagsitayuan na kami at nagpaalam na rin. Napatingin ako kay Miles, nagmamadali sya. Tumakbo sya palabas kaya sinundan ko sya.

“Uy Miles! Miles! Wait lang.” Tumigil naman sya sa pagtakbo at tumingin saakin. “Bakit Kath? May problema ba?” Tanong nya sakin pagkalapit ko. Tumingin ako sa kanya ng nagtataka. Dapat ako nagtatanong eh, kasi nagmamadali sya. Hindi naman ako yung nagmamadali.

Nagsalita na ako. Baka kasi iwan ako eh, nagmamadali pamadin. “Wala. Ako dapat nagtatanong sayo nyan, may problema ka ba? Ba’t nagmamadali ka?” Yun nalang sinabi ko. Nag-aalala ako eh, baka may kung anong nangyari sa kahit kanino mang kaibigan o pamilya nya.

Ngumiti sya ng tipid sa’kin. “Wala Kath. Bibisitahin ko lang kasi si Mama sa office kasama yung little sissy ko kaya nagmamadali ako. Sige na Kath, aalis na ako. Tatawagan nalang kita mamaya. Bye!” Nagbeso sya sakin. “Bye.” Yun nalang sinabi ko, at umalis na syang tumatakbo.

Hindi ako naniniwala sa babaeng yun. Alam ko may mali eh, peke yung ngiti nya sakin. Sure ako may nangyaring hindi maganda. Tsk. Hayaan ko nalang muna, baka kasi confidential eh, mamaya mainis pa sakin yung kung sakaling tanungin ko pa sa kanya. Buhat ko na yung gamit ko, lumabas na ako ng building at naglakad sa papuntang gate. Ilang minuto na akong naghihintay, wala parin yung driver ko. Tawagan ko nalang si Mommy.

“Hey Kathryn!” Bungad sakin ng Mommy ko. Para ngang barkada ko lang si Mommy eh kapag nag-uusap kami. Kung maka ‘Hey’ akala mo ibang tao, eh. Haha. “Napatawag ka?” Wala man lang word na ‘Anak’. Nanay ko ba ‘to? Haha. Joke lang syempre.

Pumadyak-padyak ako. “Ma! Wala pa si Manong. Uulan na dito, naiwan ko payong ko. Pa’no ko uuwi?” Paiyak na nga ata ako sa pagdradrama ko. Hahaha. Ewan.

“Tinext nya ‘ko kanina. He’ll just bring the car to the Autoshop. Nasiraan daw sya nung papunta sya dyan. Wait for him okay?” Yun ang sabi ni Mama, ngayon pa kasi uulan. Tsk. “Okay Ma..” Yun nalang sinabi ko, masyado na ‘kong OA kung magagalit pa ako. Huehue. Pinatay na ni Mommy yung tawag, sya talaga yung pumatay eh, hindi ako.

Daniel’s POV

I’m already here inside my Audi R8, niregalo sakin ‘to ni Katsumi nung birthday ko. Pinsan ko from America pero nandito sya sa Pinas, 3 years na ata sya dito eh. Hindi kami magkaklase, sa DLSU nya kasi napiling mag-aral. Nireready kasi sya ng Papa nya for their business in US and here in the Philippines, interested naman rin sya and he’s 2nd year college now. Nakasuot sakin ang DP headphone ko, nakikinig muna ako ng music. Ayoko pa umuwi, tinatamad pa ‘ko magdrive.

Nakasandal lang ako sa kotse ko habang nakikinig ng kanta ni Joe Brooks, yung ‘Superman’ nang bigla kong mapansin na may babaeng pumapadyak sa di kalayuan. Hindi kasi ako nagpark sa pang-VIP or pang students, dito lang ako sa public. Hindi na ako nagpasundo, marunong naman ako magdrive. Tinuruan ako ni Papa High School palang ako. Yun nga, napansin ko yung babaeng pumapadyak, medyo lumingon sya sa left kaya nakita ko yung mukha nya. Wala atang magsusundo sa kanya, baka wala yung driver nya, nakaka-awa naman. Pinaandar ko na yung sasakyan ko, huminto ako. Nakatalikod sya sa gitna ng daanan, pwede namang gumilid eh? Tss.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko at lumabas ako ng konti. “Kath! Get inside my car. Ako na maghahatid sayo.” Parang nagulat pa ata sya, medyo tumalon kasi. Humarap naman sya sakin. “Gwapo ko noh?” Sabi ko sa kanya.

“Hah, asa ka naman.” Sabi nya nang pataray sakit, sunget naman nito. “Pero no thanks DJ, hihintayin ko driver ko dito.” Nagmamatigas pa, uulan na nga oh.

Infinity & Beyond♥ (A KathNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon