Chapter 4: Her Mom.

21 1 0
                                    

~

General POV

Sinara na ni DJ yung sasakyan nya at nilock ito. Pagkatapos nun, pumunta na sya kay Kath na naghihintay sa kanya at pumasok na sila ng bahay nila. “I’m homeeee!” Sigaw ni Kath pagpasok nila sa bahay niya, napatakip tuloy si Daniel ng tenga nya.

“Ang ingay mo naman.” Medyo nainis sabi ni DJ kay Kath, pero kumindat lang ang huli sa una. Bigla namang may bumabang babae mula sa taas. “Hi Ate.” Masiglang bati ng kapatid ni Kath sakanya, teenager na rin pero high school pa.

Lumingon-lingon si Kath sa paligid. “Where’s mom, Chie (filomeno)?”

“She’s still in the office pa daw, medyo late na uuwi. Pero itatry nya daw umabot ng dinner, Ate.” Ngumiti si Chie sa Ate nya at si Kath naman ay tumango. Napansin naman ni Chie ang lalaking nasa likod ng nakatatandang kapatid. “Sino sya?” Tumingin sya sa Ate nya confusedly tapos biglang ngumisi.

Lumaki naman yung mata ng Ate nya tapos nagwave ng kamay nya sa harap ng kapatid. “Uy hindi, hindi! Alam ko yang iniisip mong babae ka. Hindi ko yan boyfriend noh!” Tapos tumingin sya kay Daniel. Si Chie naman, tumawa sa Ate nya.

Nag-chuckle lang si DJ dahil sa sinabi ng kapatid ng kaklase nya. “Yes Chie, kaklase ako ng Ate mo.” Ginulo naman ni Daniel ang buhok ni Chie after nyang sabihin yun. “Eeeee! Kuya naman.” Medyo naiinis na sabi ni Chie sa bisita.

Tumawa naman si Kath, hindi dahil sa ginawa ni DJ. Dahil sa mukha ng kapatid. Ayaw kasi ni Chie na ginugulo ang buhok nya, lalo na kapag kakasuklay. Hinila ni Kath si DJ sa sala para makapagkwentuhan. “Uhhmm. Kath, I think I should go home? Wala ata Mommy mo dito eh.” Kumakamot pa si DJ sa batok nya habang sinasabi yun.

Umiling si Kath. “Basta. Dito ka na magdinner.” Ngumiti naman na si DJ so it means, pumapayag sya sa offer ng una.

Daniel’s POV

Magu-umpisa na sana kaming kumain pero may biglang sumigaw. “Girls! Am I late?” Sigaw ng isang babaeng nagmumula sa pintuan. Tumayo si Kath at Chie mula sa pagkaka-upo nila at tumakbo. “Maaaaaa!” Sabay pa silang sumigaw, yung mommy nila dumating na pala. Tinext siguro yun ni Kath. Haha. Tumayo ako para salubungin ang mommy nya. Nagulat ako, napatigil kaming dalawa ng mama nya habang magkatinginan. Naalala ko nanaman yung nangyari, ayoko na ulit maalala yun pero bigla nalang pumasok ulit sa isip ko yung mga pangyayaring yun. “Ma? Daniel? Anong nangyayari?” Sumingit si Kath kaya bumalik na ako sa katinuan. Ngumiti ako sa mommy nya, yung ngiting peke pero mukhang totoo.

“My name is Da--” Hindi ko natapos yung sasabihin ko. “I know you, of course. You are the eldest son of Rommel Padilla right?” Medyo sarcastic at talagang pinangibabaw nya yung pagkakasabi nya ng pangalan ng papa ko. Tumango nalang ako.

Tumingin ang mommy ni Kath sa kanya. “Is he your boyfriend?” Umiling naman si Kath sa tinanong ng mama nya. “No Ma, he’s just my classmate, my new friend.” Yung sinagot ni Kath sa Mama nya.

Tumango-tango naman si tita na parang naniniwala sya sa anak nya. “Akala ko kasi BOYFRIEND mo eh, bagay kayo.” Sarcastic ulit yung pagkakasabi nya ng word na ‘boyfriend’. Parang naiiisip ko palang na ligawan si Kath, aatras na ‘ko eh, ito ba naman magiging mother-in-law ko? Ayoko noh, never. “Kayo nalang?” Pang-aasar pa ng mama nya na parang bata, tss. Hindi bagay. Oo, may respeto ko sa mga babae, lalo na sa mga matatanda.. pero maliban sa kanya. Hindi ko parin nakakalimutan yung sakit na naidulot nya sa pamilya ko bata palang ako, kaya ayoko.

Habang kumakain kami, masaya naman. Nagtatawanan, pero medyo awkward parin kami ng Mama ni Kath. Natapos na kami lahat, pumunta silang tatlo sa sala nila dahil meron raw ipapakita si Tita sa dalawa nyang anak at pinaiwan muna ako dito. Naboring naman ako kaya kinuha ko nalang ang mga pinagkainan sa table at pumunta sa kitchen sink.

Kathryn’s POV

Pinaiwan ni Mama si DJ sa may table, may ipapakita daw kasi sya. Pagkarating namin sa sala, binigay nya yung mga pinamili nyang dresses para sa’amin. Wala namang okasyon pero baka gusto lang ni Mama na magbigay ng mga damit kahit sobrang dami nang nasa closet namin. “Ma, puntahan ko lang po si Daniel.” Pagkasabi ko nun, tumango si Mama kaya pinuntahan ko na sya dun. Kaso wala sya, pumunta ‘ko sa kusina at nakita ko syang nakatalikod at nakaharap sa sink. “Halika na DJ, ihahatid na kita sa gate..” Naghintay ako ng sagot pero hindi ata nya narinig, eh? Lumapit ako ng konti. “Ano bang ginaga--” Nagulat naman daw ako sa ginagawa nya kaya kinuha ko yung sponge na hawak nya kaya napatingin sya sakin. “Why are you washing the dishes?!” Medyo napasigaw ata ako. Huhu.

“Why? Is it bad if I’ll help washing those?” Para namang mahirap umakto ‘tong lalaking ‘to, kala mo walang katulong sa bahay eh ang totoo naman, ang yaman nila, sobra. Tss.

Biglang dumating si Mama, baka narinig nya yung sigaw ko mula rito hanggang sala. Napasigaw nga ata ako. Huhu. “Looks like I’m going to have a responsible son-in-law, huh?” Inaasar ako ni Mama. Hala! Para naman ewan ‘tong si Mama eh, kinikilig kilig pa. Nakakahiya kay DJ. Haha. Tumingin ako kay DJ, nag roll eyes sya, nairita siguro sa sinabi ni Mommy? Ay, ewan! Basta nagroll eyes sya. Ewan ko kung kay Mama o sa sinabi ni Mama.

Tinignan ko ng masama si Mommy. “Ma naman eh!” Sabi ko sabay padyak-padyak. Para akong kabayo dito. Lmao. Tumawa si Mama tapos iniwan kami, tapos pag tingin ko kay Daniel, naghuhugas nanaman sya ng plato. Teka, pano nya nakuha yung sponge?! Tsk. DJ talaga oh. “The maids are assigned to do that, DJ. Hayaan mo nalang yang hindi pa natatapos dyan. Tara na, umuwi ka na baka late ka pa makauwi.” Sabi ko sa kanya tapos nagpunas na sya ng kamay nyang basa.

“O-Okay..” Yun na lamang nasabi nya.

Andito na kami sa labas, sa labas ng sasakyan nya actually. Sasakay na sana sya pero tumigil pa muna sya tsaka tumingin sakin. “So, see you tomorrow?” Tanong nya habang nakangiti.

Tumango ako. “Yeah. You’ll be seeing me tomorrow. Take care!” Nakangiting sabi ko din. Alangan naman sumimangot ako diba?

“Thank you for tonight, Kath.. exkjs isd imhn ntjs condngidblre wuritdsh yoier mosdgm.” Hindi ko naintindihan yung last 8 words nya, ewan ko ba kung sinadya nyang hinaan para di ko marinig eh o hindi talaga nya alam na humina boses nya. Hindi ko na rin sya tinanong. “I haven’t seen your dad inside, where’s he?” Hayy. Natanong pa nya, namiss ko tuloy bigla si Papa.

Ngumiti ako ng tipid. “He’s in London for our company branch there.” Pero alam kong nahalata nyang may lungkot sa tono ng boses ko, nakita ko reaksyon ng mukha nya. (Multimedia)

“Ahhh. Okay. Goodnight!” Ngumiti sya sakin at ganun din ako. Bumeso sya sakin, yung beso ng mga lalaki ah. Wag kayong ano! Haha. Sumakay na sya ng Audi R8 nya tsaka pinaharurot ito. Ang bilis talaga magpatakbo nun. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infinity & Beyond♥ (A KathNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon