Chapter 2 Exordium

1K 59 17
                                    

Chapter II
Chaos App



THE bloody red sky illuminated by numerous blazing bright vermillion orbs was a sight to behold. Literally breathtaking. Kakapusin ng hininga kahit sino dahil sa takot at pagkamangha.



Napabalik si Aaren sa realidad nang mamataan niya ang paparating na bulalakaw. Gahol siya sa oras para makapagtago o makatakbo kaya niyakap niya na lang nang mahigpit si Tsarina sa pag-asang mapoprotektahan niya 'to sa gano'ng paraan.



Parang bala ng kanyon, binutas ng nag-aapoy na bato ang katiting na natitira sa pader ng hallway. Nasundan niya na lang ng tingin ang mabilis na pagbulusok no'n pabaon sa sahig.



“Tara!” nagmamadali niya nang yaya. Wala siyang planong hintayin ang mga pwedeng sumunod pa. Baka hindi na sila suwertehin.



Natigilan siya sa gagawin sanang pagtayo. Parang wala kasing narinig ang katabi. Hindi rin 'to bumibitiw sa mahigpit na pagkakakapit sa kanya.



“M-mamamatay na 'ko! M-mamatay na tayong lahat!” Kausap ang sarili, kinagat ni Tsarina ang dulo ng mga kuko sa nanginginig pa ring mga daliri.



Hindi akalain ni Aaren na ang gaya nito na malakas ang loob at napakaresponsableng class president ay merong gano'ng klaseng mental disorder. None of them in class noticed.



“Naiintindihan ko ang nangyayari sa 'yo pero talagang mamamatay tayo kung hindi tayo aalis dito.” Napatingala 'to sa kanya. Mukhang nahimasmasan kahit papa'no. “Ano ba'ng pwede kong gawin?” pagtutuloy niya.



Para 'tong maiiyak na hindi maintindihan. “H-hindi mo 'ko matu-tulungan. N-nasa bag ang mga gamot ko.”



Mariing naipikit ni Aaren ang mga mata dahil sa nalaman. Kaya naman pala gano'n na lang ang pagpipilit nitong habulin ang bag kanina. Now, he feels like a jerk for getting upset at her.



Nakayukong isinubsob nito ang mukha sa sariling mga palad. “H-hindi ko maigalaw ang mga binti ko. I-iwan mo na lang—”



Naudlot ang sasabihin ni Tsarina nang hawakan niya ang baba nito at iangat 'yon. Hindi niya na masyadong pinag-isipan ang solusyong pumasok sa utak niya. Basta niya na lang ginawa. Basta niya na lang 'tong hinalikan.



Ilang beses mabilis na napakurap ang mga mata nito. Nakalayo na siya sa mga labi nito ay nakatitig pa rin 'to sa kanya.



“Sorry, oxytocin lang ang naisip kong pwedeng makatulong sa 'yo ngayon,” paliwanag niya.



There's no way to bring back her medicine. The only thing they can rely on are the natural calming chemicals produced by the body.

Exordium: God Is A Gamer (Mild R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon