Chapter 4: Exordium

690 41 5
                                    

Chapter IV
Earth After




WITH curiousity taking over them, they took steps straight into the fog. Nanlalaki ang mga matang nagpatiuna si Tsarina nang numipis ang makapak na hamog. Taliwas kasi sa inaasahan nilang puro gumuhong gusali lang ang madadatnan, mapunong gubat ang sumalubong sa kanila.





Nasundan ni Aaren ng tingin ang naglalakihang mga ugat galing sa mga bitak sa sementadong kalsada bago napatingala sa matatayog na mga punongkahoy. Their leaves blocking the sunlight made that forest dimly lit.






May mga nakapulupot ding makakapal na baging at lumot sa mga wasak na gusali at mga poste. Para bang ilang daang taon na ang lumipas pagkatapos ng sakuna na nasa ilang oras pa lang naman talaga.





Earthen seems like the wordplay for Earth then. Earth after.




Napayuko si Tsarina sa tapat ng halamang nasisinagan ng liwanag galing sa katiting na awang sa mga dahon. “May kamatis na ligaw, Aaren!” Nakangiti 'to habang ipinapakita ang kapipitas lang. Agad din nitong nabitiwan ang prutas nang may mapansin sa paanan ng kausap. Mabilis siyang lumapit do'n saka bigla na lang nagbungkal. “Pati patatas!” dagdag niya na hawak na ang tinutukoy.





Aaren wasn't sure of which is more astounding: the abundancy of that forest or Tsarina's knowledge when it comes to agricultural crops.





Nagpatuloy sila sa kasukalan. Panaka-naka nang kinakalikot ni Tsarina ang chaosphere app kasabay ng pagmamasid sa paligid. Her eyes were going back and forth from the app and to the forest.





Ang iba't ibang huni naman ng maliliit na hayop na nagsisipagtaguan pagkatapos silang mapansin at mga insekto sa paligid ay naghalo-halo sa pandinig ni Aaren. Their chirps and tiny peeps gave him peace. Peace that he thought he could never experience again. Saka lang niya napunang wala ni isang puno ang natumba o nabali man lang dahil sa lindol. The forest was impossibly unharmed for some reason.





“Hala, a-ano 'to?”





Napatigil siya nang napahinto bigla si Tsarina. She was a few steps ahead of him. Hindi maipaliwanag ang ekspresyon nito sa mukha nang lingunin siya. Nangunot ang noo ni Aaren nang mabistahan kung ano ang dahilan ng reaksyon nitong 'yon. Napalapit tuloy agad siya rito. “Saan galing 'yan?” tukoy niya sa kawaling nakapagtatakang kapit na nito.





“'D-di ako sigurado.” Kahit 'to gulat na nakatingin sa hawak ng mga kamay. Mabigat ang nasa 18 inches na kawali kaya iniabot niya 'yon kay Aaren.





After grabbing hold of it, he slowly flipped it around. He even gave the bottom a few knocks. It was really a skillet. One, made from cast iron.





“May nasagutan lang akong tanong,” litong pagpapaliwanag ni Tsarina. “S-sa chaosphere tapos—” natigilan 'to. “A-Aaren.” Nauutal at nag pa-panic niya nang bigkas bago napakapit na lang sa braso ng kausap.

Exordium: God Is A Gamer (Mild R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon