09

92 3 1
                                    

Song Ana's POV

"I'm sorry, Miss Song. Hindi namin macoconsider ang concern nyo. At least provide us some evidence bako kami gumawa ng aksyon."

"Pero Ma'am, binastos ako ng teacher na yon. Ininsulto nya ako and I don't think that's a right thing for a teacher or a man to do. Hindi nyo 'to pwedeng palampasin lang. Paano kung maapektuhan ang mga estudyante sa mga actions nya?"

"Miss Song, I will be honest with you. Wala naman kaming nakikitang problema kay Sir Wooseok. At in fact, isa sya sa pinakamagaling naming teachers sa faculty ng junior high school. Hindi natin pwedeng tanggalan lang sya ng trabaho. Unless you have your evidence, then, we can consider your report. Regardless of that, sisiguraduhin naman namin na we will keep an eye on his actions."

"Pero ma'am--"

"Wala ka bang klase at this hour, Miss Song? Sigurado akong kailangan ka na sa SHS Department. Mas mabuti siguro kung ipagpapaliban mo muna 'to." Lumingon palayo sa mata ko yung principal ng junior high. Huminga ako bago ako tumalikod at lumabas ng pintuan mula sa office. Great! Mukhang malakas ang kapit ng tarantadong 'yun.

Isinara ko ng malakas ang pinto at umirap bigla. The fuck is wrong with people? Yung pangyayari pa lang na ininsulto nya yung size ng dibdib ko, maling mali na. Bakit mukhang kinakampihan pa nila yung walang modong manyak na yon?

Mabilis akong maglakad at hindi na lumingon sa kung sino ang nasa paligid ko. Simula ngayon, hindi na ako pupunta sa junior high department. Wala akong pakialam kung dito nagaaral si Hyeongjun, after nya ngayong grade 10 ako din naman maghahandle sa kanya sa senior high. Ipagdadasal ko na lang ang kapatid ko.

Pero bago pa ako tuluyang makalayo, bigla naman akong napatigil sa paglalakad ng may nakabungguan akong lalaki. Tangina naman ang sakit ng braso ko kakasulat sa board tapos bubungguin pa nila ako!

"Aray! Pwede ba, tumingin ka sa dinadaanan mo?!" Pagalit kong sabi dun sa lalaki bago ko tinignan yung mukha nya with matching masamang tingin.

Nagulat naman ako bigla. Hindi ba eto si Kuya Prolibee Delivery? Si Jinhyuk yata yun? Oo, sya nga. Kaklase ni Hyeongjun. Matanda na sya para sa grade 10 pero okay lang naman dahil hindi naman sya mukhang adult. Cute lang. Ihahandle ko din 'to sa grade 11 at pahihirapan ko dahil mali mali sya kung magdeliver. Simpleng bagay, hindi magawa ng tama.

"S-sorry po, Ma'am Ana."

"Next time siguraduhin mong tama ang ginagawa mo. Padalos dalos ka kasi masyado, nagiging abala ka sa daan ko."

Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad. I don't care. I hate this department except sa kapatid ko. Mga teacher na walang disiplina, pati estudyante tatanga tanga na din. Hay nako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Package | K. WooseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon