07

66 5 1
                                    

Ana's POV

"Hi." Ngumiti akong in-approach sya. Sya pala yung Wooseok? Hindi naman masyadong gwapo. Mabango lang tsaka marunong manamit.

"Hey, so you're that Ana."

"Yes, I am that Ana. This is your package, at as you can see hindi ko sya ginalaw and sealed pa rin sya exactly the way I received it."

"Thank you." Ang sabi nya bago niya kinuha mula sa akin yung package nya. Inilapag niya iyon sa tabi niya pero medyo tumaas na ang kilay ko sa nakita ko. Yung package ko... Bukas na?

"Here's yours..." Sabi niya at saka siya ngumiti sa akin habang iniaabot yung package ko na hindi na sealed. Tinignan ko sya na nagtataka pero mukhang wala siyang pakialam sa reaksyon ko. "Tsaka I was just wondering kung sa'yo ba yung underwear... Nevermind. I think the petit sized bra suits you perfectly."

Lumaki ang mata ko sa narinig ko. P-petit sized bra? PUTANGINA? ININSULTO BA NIYA YUNG SIZE NG DIBDIB KO?

Kumulo na ang dugo ko at hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilan yung sarili ko that time. Sinampal ko sya at saka ko siya sinigawan. "M-manyakis kang gago ka!"

Hinatak ko mula sa kanya yung box ko at tsaka siya sinamaan ng tingin. Gulat na gulat ang reaksyon niya at parang hindi niya ineexpect yung ginawa ko. Tangina, insultuhin ba naman ako? Anong klaseng tao sya at wala siyang respeto?

Agad akong umirap at naglakad palayo, iniwan siyang gulat pa rin sa ginawa ko. I will let it pass this time dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't masugat ko yung pangit niyang mukha kapag sinuntok ko siya.

Tangina talaga. Ramdam kong pulang pula na yung pisngi ko sa init at nanginginig na ako sa inis. Medyo narinig ko pa siyang tinawag yung pangalan ko, pero hindi ko siya pinansin at patuloy na naglakad palayo. I can't believe a fucking bastard like him still exists. I hate that guy, Kim Wooseok.

Package | K. WooseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon