Chapter One: Bad Day

5 0 0
                                    

Kylie's POV

Nakasakay nako ngayon sa jeep habang inaalala kung ano ba yung nakalimutan ko. Nilagay ko naman lahat ng gamit ko sa bag kagabi.

Iniisip ko lahat ng school supply from A-Z pero kompleto naman.

After 5 more mins ng pag-iisip naalala ko na. Jusme nalimutan ko pala yung-

"Miss pasuyo nga" naputol ang iniisip ko ng biglang may nagsalita. Inubserbahan ko muna siya nang mabilis.

Napansin ko ang logo ng school ko sa I.D lace niya. Mabilis kong kinuha ang bayad nya at binulsa charr syempre inabot ko kay manong driver

...ano nga ba ulit yung iniisip ko kanina? Nubayan! Naalala ko na eh! Ayoko na ngang pumasok!

After 35 mins nandito nako ngayon sa loob ng classroom ko. Hindi katulad ng ibang College University, hindi kami nag kakarerahan sa hallway para puntahan ang respective room ng bawat subject namin. Dito sa aming school ang mga prof namin ang sumasadya sa classroom para daw maiwasan ang cutting. Well in my opinion nasa student naman yon kung magcu-cutting sila. Para tuloy kaming elementary na nag-iintay ng Ma'am nila.

Sa classroom ko mababait naman classmate ko. May limang iba't ibang type of student dito.

1. "Athletes" pinapangunahan ni Gabriela Concepcion na siyang volleyball captain ng school. Sila yung grupo ng studyanteng kahit buong araw mag praktis mabilis parin nakakapagre-cap ng lessons.

Palatandaan: Hinanap ba ko ni Maam/Sir? May ginawa ba kayo? Nagquiz ba? May assignment? Pakopya ng notes.

2."Gamblers" sila yung grupong anak ng mayayaman. Wala silang paki-alam sa assignment at project. Wala silang ginawa kundi mag pustahan sa lahat ng bagay. Sila din yung mga bully.Sagana sa yabang.

Palatandaan: Pustahan tayo within two days that girl will be head over heels for me.

3."Politicians" pinapangunahan ni Samantha Mendoza na President ng Student Council. Halos lahat ng miyembro ng S.C. nandito sa room na'to. Ewan? Kung sinadya nila. Sila yung tipong nagdedebate sa maliit na bagay. Sa tingin ko matataas ang pride nila.

Palatandaan: may logo ng S.C. ang uniform na personalize pa with their name initials. Parang nakaburdang nameplate sa uniform.

4. "Happy Feet" ito ang grupo ko. Kami yung patawa-tawa lang pero mataas ang markha (nagkokopyahan kami) Binubuo kami ng mga babae at bakla kaya sobrang saya. Pinapagaan ng grupong 'to ang room namin. Kung wala tong group na'to walang mag papasaya.

Palatandaan: tawa ng tawa pag nagtuturo ang prof. Pero mukhang hindi na nahinga pag recitation

5."Almost Perfect Student" sila yung grupo ng studyante na mataas ang respeto sa guro at sa mga kaklase. Sila yung kalmado lang. Lagi silang friendly. Hindi sila nangongopya at nagpapakopya. Sila ang pinapangarap na studyante ng mga guro.

Palatandaan: (walang palatandaan dahil di sila nag e-exist)

Pumasok na ang Prof. ko sa Mathematics si Sir Alvin.

Nag announced siya na may bagong sitting arrangement kaya pinatayo niya kaming lahat at isa-isang tinawag

Isang upuan na lang ang bakante sa row ng mga kaibigan ko. Syempre para sakin yon. Sa hudyat ng ngiti ni Sir naglakad nako patungo sa bakanteng upuan. This is it! Nginitian ko si Sir sign ng pasasalamat. Wala pang 2 mins nag salita siya at sinabing...

"Kylie duon ka umupo sa kabilang row" nalaglag ang ngiti ko ng marinig ko yon. Nagtawanan ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang walang nakakatawa don urggh.

Hindi ako tumayo kaya lalapit na sana sakin si Sir dahilan para mag madali akong umalis

Napilitan na lang akong umupo sa row na'to. Pwede na kaming tawaging 'Samahan ng mga napahiwalay sa kaibigan'

Nakaupo sa kanan ko si Samantha ang president ng student council at sa kaliwa ko naman si Gabriela ang captain ng volleyball team. May bakante pang upuan sa kaliwa ni Gabriela at duon umupo si Alex ang misteryosong babaeng hindi natatakot matulog sa klase.

Unang lesson palang ngayong second semester may pa-short quiz agad si Sir.

Nilalabas ko na ang cattleya ko nang biglang nadali ko yung ballpen ko dahilan para gumulong ito papuntang edsa charr

dahilan upang mapunta ito sa sapatos ni Alex

Dahil masikip sa upuan. Hindi ko na lang pinulot kahit nanghihinayang ako. Nakakairita hindi ko pa naman nagagamit yon. Bwisit! baket kase sa sapatos pa ni Alex.

Hinahanap ko na ang reserbang ballpen ko sa bag nang biglang nagsalita si Gabriela.

"Kylie! Ballpen mo nahulog ako sayo" Dahil tahimik ang room sigurado akong narinig ng mga classmate ko ang sinabi nya. Nag tawanan ang mga kaibigan ko sa kabilang row.

Takte mukhang trip ako ng katabi ko. Jusko sana kainin nako ng upuan ko.

Habang abala ang lahat sa bago nilang upuan. Heto kami patahimikang huminga ng mga katabi ko.

Napansin kong may pumukaw sa atensyon ng aming Student Council President.

Makalipas ang ilan pang minuto di parin naaalis ang tingin nya sa bintana.

Kaya na-intriga nako. Malay mo may nangyayari ng di kaaya-aya sa labas ng bintana.

Halos nakadikit na ang ulo ko sa balikat ni Samantha nang biglang lumingon siya dahilan para mag lapit ang mga mukha namin.

Akmang iaalis ko na ang ulo ko ng biglang may tumulak sakin. Nagulat ako ng mahalikan ko ang pisngi ni Samantha. Halatang nagulat din siya sa nangyari.

Mabilis kong nilingon ang ulo ko para hanapin ang saralin na tumulak sakin...

"Carl!" ang bakla ko palang  kaibigan ang puno't dulo. Tumakbo siya palabas ng pinto. Nataranta nako at hinabol siya.

For making the long story short, nandito kami ngayon sa guidance office dahil may nakakitang teacher samin na natakbo sa hallway.

Pumasok na ang councilor sa room at tinanong kami kung anong nangyari.

Of course it was a misunderstanding. Pero to be fair daw binigyan nila kami ng punishment. Si Carl ang mag lilinis ng gym at ako naman ang mag aayos ng libro sa library. Yeyyy ang saya-saya talaga ng araw na'to.

Pag katapos ng ilang oras nagawa na namin ni Carl ang punishment namin at hindi na namin nagawang makabalik sa classroom dahil uwian na nang matapos kami. Bumalik parin kami para kunin ang bag namin at magpaalam sa iba pa naming kaibigan

Naglalakad nako dito sa hallway ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wow ang saya talaga.

Naalala ko na kung ano yung nalimutan ko..PAYONG!

Wala nakong magagawa dalawa na lang ang option ko
1. Tumakbo hanggang sakayan ng jeep.
2.Mag intay tumila ang ulan.

Syempre uwing-uwi nako kaya inaayos ko na ang bag ko para siguraduhing walang notes na mababasa at pati narin ang cellphone ko. Hinga ng malalin...
At the count of three

One..

Two..

"Wag mong sabihing tatakbuhin mo yan?" tatakbo na sana ko ng biglang may babaeng nagsalita sa tabi ko nung una ay hindi ko siya nakilala pero nung inangat niya ang payong nakilala ko na siya..
wait..diba siya si..

 Ms. Gender BenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon