Chapter 2

38 0 0
                                    

Princess POV

Magsisimula na po akong magkuwento.

Ang kuwento. Bow!

Sa nakikita nyo sa aking malaking-malaking magic screen *sabay turo* makikita nyo ang babaeng ito. Ano ang masasabi nyo? Ah…siguro nadidiri kayo nuh…As in duh!

Hoy, wag kayo jan ha. Talagang kadiri. Tingnan nyo. Tulog na tulog sa klase eh. Tulo laway at naghihilik pa. Yuck!

Okay…para mas maliwanagan kayo lahat, isasalin ko na sa kanya ang POV na ito. Para malaman nyo kung gaano siya kadiri sa paningin ninyo, MGA TAO.

Hanggang dito na lang muna ako. Magdidisappear na lang muna ako. Mukha di pa ako kelangan dito. Jan na kayo. Nood lang kayo jan sa inyong imaginary screen na baka mas Malaki pa kesa sa magic screen na to.

Adios!

Ines POV

Ang saya –saya naman. Kasama ko na naman siya. Nakasakay kame sa magic carpet na kulay gold.

Ang sarap talaga sa pakiramdam ang lumipad. Ganda pa ng tanawin. Grabeh,,yeebah..

Alam nyong parang nasa paraiso, mas maganda sa paraiso. Kase parang umuulan ng snow pero pagbagsak sa lupa, nagiging makukulay na paro-parong maliit taz nawawala. Taz sa ilalim, sa lupain, may talon umaagos ang kulay light blue na tubig, taz nakikita ko pa ang mga nilalang at halaman na nasa ilalim ng tubig. Ganon kalinaw.

Mga bulaklak na maliit at malalaki. Makukulay. Parang sumasayaw sa ihip ng hangin. Waaahhhh….

Tapos, kasama ko pa ang “man of my dreams”. Tinutour nya ako rito.

 Ang gwapo niya talaga. Pero sa itsura nito, hindi ito mukhang tao. Mukhang Adonis. Waaaah..

Pano ba naman. Ang tikas ng katawan nya. Tapos ang kinis ng balat. Lambot pa hawakan kase pinapayagan naman ako kapag hinawakan ko. Hehehhhhh…Perv ko..Uy….hindi naman sa ganon. Gusto nyo kayo rito para maexperience nyo rin hahah.

Tapos, basta hindi ko madescribe ang kanyang kagwapuhan dahil uuuuuuboood ng gwapo. Ang maganda sa kanya, alam nyo ba?

Yung may biloy at matamis na matamis na ngiti. Kaya lang, may pagkamatulis lang yung tainga nya. Pero bagay na bagay naman. Kase, pakikilala nya sa akin, tagabantay daw siya ng mga pinuno ng mga nilalang dito. Di ko pa alam. Di ko pa tinatanong ang tungkol dito. Huwag muna kayo magtanong. Masyado naman kayong excited. Ninanamnam ko pa ang moment ko rito eh..

“Mahal na Prinsesa!” Eeeeehhhh. Biro nyo kahit sa panaginip, prinsesa ako. At leath *ala diego na pagkasabi*. Ayaw ko na ngang magising. Wag naman sana.! Nang biglang…..

****

*Splash*

“Uyyyyy,,,sunog…saan?”with matching twinkle of an eye pa. Siyempre kagigising ko lang mula sa magandang tulog. Maraming matang nakatingin, at sumasakit na ang tyan sa tawa. Di pa nakuntento, tinuturo-turo pa ako. Hmmmppp..

Wow….binasa lang naman ako ng tubig. Ang sarap maligo. Saan ang sabon?

Napakasama ng tingin ng teacher na to.

Ganon kalupit ng teacher dito. Sa akin lang naman. Kung hindi batok o ngudngud sa upuan ang pampagising sa akin, pagbasa ng tubig ang paraan nya. Di ba, dapat bawal yun.

“NAKATULOG KA NA NAMAN! GRABEH KA, WALA KA NANG GALANG. BOBO KA NA NGA PERO NATUTULOG KA PA SA KLASE MO. KUNG GUSTO MONG MATULOG, HUWAG KA NANG PUMASOK NANG HINDI MO KAME NAIISTORBO. ANG SAKIT MO SA PANINGIN.” Sabay batok at hampas sa feeling makintab kong hair.

In My Dreams..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon