Kakay’s POV
Hay, eto na naman. Kyaaahhhhhhh… with matching kumikinang na mata, na kinukuyom ang mga kamay sa dibdib tapos itataas as in high to the next level habang sumisigaw ng..
“I LOOOOOVE IT!.”
Tumawa naman ng mahina ang katabi ko. Sino pa ba to? Eh di si “man of my dreams.”
Ay…ano ba pangalan nito. Kase sa tuwing tinatanong ko eh, ngiti lang ang makukuha ko. Di bale, panaginip lang naman eh. Solong-solo ko naman siya palagi eh.
So, alam nyo ba kung saan kame? Bumaba na kame sa magic carpet. At mas lalo akong namangha.
Wow, tuwing dumadaan kame, yung mga bulaklak na nakahilera, bumubuka at may lumalabas na maliliit na fairies ba tawag jan, tapos nagsasaboy ng kung anu-anong makukulay na dust. Hindi ko alam.
Tapos ang mga puno na nakahilera din na magkakapareho lang ang taas sa bandang likod ng mga bulaklak, nagbabow?
Eh, katakot, pero bakit ako matatakot, eh mukhang mas horror tong mukha ko. Feeling naman.
Nililibot ko ang aking paningin. Bughaw na kalangitan na maraming clouds. May hugis pa nga eh. May mga hayop, bulaklak, nilalang dito sa mundo nila. And take note, may mga kulay pa. Wow, so galing nila.
Hindi magsasawa ang mga mata ko rito. Ang mga prutas ng mga puno, hitik na hitik at lalaki pa. Wow, sarap kainin. Parang kakagutom tuloy.
“Ahm…psst..” kublit ko sa kasama kong Adonis.
“Bakit?”
“Ahm..pwede bang makahingi ng prutas nyo? Mukhang gutom na ako eh. Hehehe.” Matching kamot sa batok at isang kamay humahaplos sa tyan. Sana pwede.Please…
“Alam ko po na napapagod na kayo sa ating paglalakbay, mahal na Prinsesa. Magpahinga muna tayo at kumain.” Ayan na naman, prinsesa na salita. Ako mismong, takang-taka jan sa lalaking yan. Eh sa kapangitan kong to, paano ako magiging prinsesa dito. As in haleeer, baka prinsesa ng kapangitan na nababagay sa kadiliman. Dun kase siguro nagiging maganda ako kase hindi nila nakikita ang mukha ko.
At sa isang iglap. **Chiiiinnng**
Huh, kusang bumaba ang mga prutas sa puno, pumunta dun sa magic carpet na sinasakyan naming kanina na sumusunod lang sa likod naming habang naglalakad.
Tapos, umupo kami sa damuhan.
Hay, ang saraap at ang gaan sa feeling.
*Kanta sa rebisco,. “Ang sarap ng feeling mo.* La lang, nag-echo lang sa utak ko hehe.
Pagkaupo namin sa damuhan na maraming bulaklak siyempre nuh.
“Ako lang ba kakain nito. As in, anong ginagawa mo jan?” tatayo-tayo lang kase, ayaw yata akong makasama. Eeehhh..
“Hindi po, kayo lang. Hindi naman po ako nagugutom eh.”
“O siya, sige kung ano ang gusto mo, fine. Pero, umupo ka naman, hindi ako sanay kumain na may nakatayo.”
Lumapit siya sakin. Ay, shocking….Kinikilig na naman ako,. You know..Basta you know na ah..
Wow, ang lalaki naman ng mga prutas na to. Iba’t iba ang kulay.
Pinili ko yung isang mukhang apple pero Malaki tas may pulang pagkaginto, basta imaginin nyo na lang.
Parang ang sarap nito. Isusubo ko na sana nang……
****
“Kakay, kakay,” may lindol ba? Bakit nayayanig?
“KAKAY”
BINABASA MO ANG
In My Dreams..
FantasyAko... Mahirap na nga... Pangit na.. Bobo pa.. Hay, wala na nga akong maipapakitang maganda sa mga mata ng mga mapanlait na tao sa mundong ito. Ngunit alam nyo ba na may dahilan kung bakit pa rin akong nagsusumikap na mabuhay sa kabila ng masaklap k...