Dream 2~
It's already 7 am nang magising ako. Jusko 8 ang pasok ko patay nanamn ako nito kay auntie. Mabilis akong pumunta sa banyo para maligo. Halos 5 minutes lang akong naligo dahil nga malelate na ako.
San Francisco National High School ang pangalan ng school ko at malayo layo pa samin yun.
Pag labas ko ng banyo ay agad agad akong nag ayos ng sarili at sinukbit ko na ang bag ko para umalis. Wala na akong oras mag almusal dahil nga late na ako.
Tumatakbo ako palabas ng bahay ng hitakin ni auntie ang bag ko.
"Saan ka pupunta?" masungit na tanong nya sakin eh obvious namn na papasok ako
"Papasok na po" inosente kong sagot
"Bago ka pumasok idaan mo 'to sa grocery nila Anita babayaran din nya agad yan ngayon.
"Pero auntie ma llate na po ako" saad ko at pilit itinatago ang inis
"Wala akong pakealam at bakit nga ba kasi tanghali ka na nagising"
wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango nalang saka nag lakad paalis. Kahit namn anong gawin kong pag mamadali ma llate parin ako. Ang layo kaya ng grocery na yun. Buti sana Kung binigyan ako ng pamasahe
Tahimik lang akong nag lalakad habang tinatahak ang daan patungo sa grocery na pupuntahan ko nang may kotseng huminto sa gilid ko
"Elmira ija anong oras na ah mallate ka na" si kuya jerry yan tatay ni charisse
"Inutusan pa po kasi ako ni Auntie na dalhin to sa grocery ni ate Anita eh" saad ko sabay pakita ng dala kong plastic na may lamang make up
"Ayan talagang auntie mo konti nalng bibinggo na sakin yan eh. Alam na may pasok ka uutusan ka pa" galit na galit na sabi ni Ate Ann na nanay ni Charisse
"Sabay ka na namin idadaan ka narin namin sa School nyo para kahit papano makaabot ka kahit sa second subject nyo manlang"
"Naku wag na Po makakaabala lang po ako sa inyo"
"hayy wag nang makulit Elmira si charisse kanina pa andun sa school nyo baka hinahanap ka narin nun"
Dahil wala namn na akong magagawa at para narin makaabot pa ako sa second subject ko ay sumakay na ako sa magarang kotse nila kuya jerry.
Hangga din ako kay charisse kasi kahit mayaman sila mas pinili nyang mag aral sa isang public school kahit na afford namn nila ang pag aaral sa private school.
Saka simple lang din sya di sya mapili sa taong sasamahan nya. Kaya nga kami naging mag kaibigan eh.
Nang maihatid na namin ang make up sa grocery ni ate Anita at nakuha ko na ang bayad ay inihatid na ako nila kuya jerry sa School.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami saka ako nag paalam sa Kanila at nag pa salamat dahil sa pag hatid nila sakin.
Nang tingnan ko ang aking relo na iniregalo sa akin ni Charisse noong birthday ko nung nakaraang bwan. may roon pa pala akong ilang minuto bago mag simula ang Second period namin kaya namn dumiretso muna ako sa canteen ng school namin para bumili ng makakain dahil nga hindi pa ako nakapag almusal.
Nang makarating ako sa canteen ay agad akong bumili ng sandwich at isang juice. Buti nalng nakaka sideline ako bilang tendera kada sabado at linggo sa bakery nila aleng madelle. At napagkakasya ko ang perang nakukuha ko dun sa pambaon ko sa isang linggo.
Nang matapos na akong kumain ay dumiretso na ako sa room namin.
Pag dating ko dun ay nag kakagulo ang mga classmates ko. meaning wala pa ung teacher namin ng second period.
BINABASA MO ANG
The Dreamer
FanfictionElmira Halili. isang babaeng nangarap at patuloy na inaabot ang lahat ng kanyang pangarap na makapag tapos at maging isang successful woman someday. kahit mahirap ang buhay tiniis nya para maabot ang kaniyang mga pangarap. maraming pagsubok man a...